Karen Bordador nanawagan sa BINI fans: Please donate sanitary napkins

Karen Bordador nanawagan sa BINI fans: Please donate sanitary napkins

Karen Bordador at BINI

MAGANDA at makabuluhan ang panawagan ng dating “Pinoy Big Brother” celebrity housemate na si Karen Bordador sa mga fans ng BINI.

Nakiusap si Karen sa lahat ng supporters ng all-female P-pop group, partikular na sa mga hoarders ng isang brand ng sanitary napkins na may palibreng BINI photocards.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nag-post si Karen ng isang litrato kung saan makikita ang mga repacked relief goods na ipagkakaloob nila sa mga babaeng nasa correctional facility.

Baka Bet Mo: Katarina Rodriguez umapela sa publiko: Wag namang mag-donate ng maruming damit at underwear

Sa mahabang caption ng events host at social media influencer, nanawagan nga siya na i-donate na lamang ng BINI supporters ang sobra-sobrang sanitary napkins para maipamigay sa mga nakakulong sa correctional.

“To everyone hoarding Modess Napkins for BINI Photocards and have been wondering where they can donate the excess napkins to, please send them to me,” simulang pagbabahagi ni Karen.


Patuloy pa niya, “I’ll be visiting a women’s correctional facility this month and they will really appreciate good quality napkins. Please DM me!”

“If you have other hygiene products and food you’d like to give the ladies in bars, I’m willing to give it to them! They’ll really be grateful for all the blessings,” sabi pa ng dalaga.

Ipinaliwanag pa ni Karen na kailangan pa kasing bumili ng mga nakakulong sa correctional facilities ng sarili nilang mga gamit kabilang na ang sanitary napkins.

“In correctional facilities, sadly they have to purchase their own things, but with what money? So your hoarding and excess are their necessities. (Many people have been messaging me about this so I might as well post it…marami daw are wondering where they can donate kasi).

“Btw I always mention where these donations are from to the receivers so do let me know if you’d like your name, org or group to be mentioned or not because some prefer privacy.

“Please do DM me to send in your donations. Thanks!” ang buong pahayag ni Karen.

Pinuri naman ng netizens ang naging aksyon ni Karen. Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin.

“Good job Ms. Karen on your way of HUMANITY ADVOCACIES FOR THE WOMENS CATHEGORIES OF YOUR LIFE.”

“More Power Ms. Karen B.. love it!”

Baka Bet Mo: Karen Bordador malalim ang hugot tungkol sa ‘trayduran’ sa ‘PBB 10’

“Nice. May purpose tlga mga ngyayari satin. Khit papanu merong may alam ang sitwasyon ng kbabaihan sa loob. God Bless po.”


“Much better if hindi mo lagyan ng mukha mo yung goods. Nevertheless, good idea.”

“Were Planning on That na po na macollect lahat ng excess pads and ibigay po sa inyo para isahan na lang. Support kami sa mga ganitong Advocacy.”

“Hi, most of the blooms po plina-plano yung pag donate ng modess if sakaling mag co-collect po sila, contact the officials po.”

“And sa mga fanboys ng bini, eto na yon guys.. naka collet na kayo, may natulungan pa kayo. kahit anong gender ka, collet nA. HAHAHAHAHA if walang paggagamitan, tulungan po natin yung mga nangangailangan.”

“Ganyan rin una kong naisip nung nagkaron ng ganyang announcement for BINI. Sana walang magtapon lang basta basta or magsayang kase mahalaga parin yung mga napkin na yan! Thank you po for using your platform for this.”

“BLOOM Philippines Blooms of BINI sana makita niyo rin ito.”

Read more...