KILIG much ang hatid nang magsama sina Andrea Brillantes at Carlos Yulo sa stage ng “ASAP Natin ‘To” ng ABS-CBN kahapon, September 8.
Tuwang-tuwa ang mga manonood, lalo na ang studio audience nang magbigay ng message si Andrea para sa 2-time Olympic gold medalist na personal talagang bumisita sa musical variety show ng Kapamilya Network.
Isang bonggang tribute ang ibinigay ng “ASAP” family kay Carlos matapos ang naiuwing karangalan para sa Pilipinas mula sa 2024 Paris Olympics matapos manalo ng dalawang gintong medalya sa men’s artistic gymnastics (vault at floor exercise).
Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo, Nadine Lustre magsasama nga ba sa isang pelikula?
Sa official Instagram page ng “ASAP” mababasa ang mensaheng, “The grand welcome celebration of two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo on the ASAP stage!”
Pagkatapos kantahan ng mga “ASAP” artists si Carlos ay tinawag naman si Andrea para sabitan ng golden lei si Caloy na sinundan ng malakas na hiyawan at palakpakan mula sa studio audience.
Nagbigay din ng message si Andrea kay Carlos, “Siyempre una sa lahat congratulations kasi hindi lang isang gold medal kundi dalawa.
“So, gusto ko lang sabihin na thank you kasi you’re such an inspiration to all of us, maraming salamat sa lahat ng hardwork na ibinigay mo dito.
“Sobra mo kaming pinasaya, sobra kaming proud na proud maging Pinoy so thank you so much and congratulations,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Kim, Barbie game na game magsama sa movie: Magkapatid tayo na baliwan!
Ipinakita naman sa camera ang girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose na tuwang-tuwa at tila kinilig din kina Caloy at Andrea.
Bago ipalabas ang guesting ni Carlos sa “ASAP”, nag-viral na sa social media ang litrato nila ni Carlos kasama si Andrea na kuha sa loob ng ABS-CBN compound. Marahil yun din ang araw nang kunan ang taping para sa pa-tribute sa Pinoy champ.
In fairness, mabilis na nag-trend sa X ang “Carlos Yulo”, “Andrea Brillantes” at “Blythe” habang ipinalalabas ang “ASAP”.