Apollo Quiboloy, 4 pang kapwa-akusado nasa kustodiya na ng PNP

Apollo Quiboloy, 4 pang kapwa-akusado nasa kustodiya na ng PNP

INQUIRER file photo/Grig Montegrande

NANDITO na sa Quezon City ang fugitive televangelist na si Apollo Quiboloy.

Hawak na kasi siya ng Philippine National Police (PNP) matapos sumuko sa Kingdom of Jesus Christ (KJC) compound noong Linggo, September 8.

Ang balita na ‘yan ay inanunsyo ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. sa pamamagitan ng Facebook, pero wala pang detalye.

Kinumpirma naman ito ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo at ibinunyag na kabilang rin sa mga naaresto sa loob ng nasabing compound sa Davao City ay ang apat pang kapwa-akusado na sina Jackielyn Roy, Ingrid  Canada, Cresente Canada, Sylvia Cements.

Ayon kay Fajardo, ang lima ay ipinadala sa Manila sa pamamagitan ng C-130 plane bandang 6:30 p.m. noong September 8.

Baka Bet Mo: Paulene Canada na kapwa-akusado ni Apollo Quiboloy arestado sa Davao

Nakarating sila ng Villamor Airbase sa Pasay City ng 8:30 p.m at nakarating sa PNP custodial center ng 9:10 p.m.

Sinabi rin ng PNP na nakuha na nila ang fingerprints at mugshots ng limang suspects.

Magugunitang sumuko si Quiboloy at ang apat na akusado matapos magbigay ang PNP ng “24-hour ultimatum.”

Kung matatandaan naman noong Hulyo, naunang naaresto sa Davao City ang isa pang suspek na si Paulene Canada.

Dinampot siya sa kanyang bahay sa Buhangin district noong July 11.

Si Quiboloy ay kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) ng sexual abuse, qualified human trafficking, at iba pang acts of child abuse.

Sinampahan din siya ng kaso sa US Justice Department noong 2021 ng sex-trafficking ng mga kababaihan na edad  12 to 25 “to work as personal assistants, or pastorals, who were allegedly required to have sex with him.”

Read more...