Donny Pangilinan shookt nang biglang nakawan ng halik ng babaeng fan

Donny Pangilinan shookt nang biglang nakawan ng halik ng babaeng fan

Donny Pangilinan

HALATANG na-shock si Donny Pangilinan sa babaeng lumapit sa kanya para magpa-selfie pero biglang nagnakaw ng halik.

Viral ngayon sa social media ang isang video clip kung saan makikita si Donny na nasa isang out of town activity para maglaro ng basketball kasama ng ilan pang celebrities.

Habang naglalakad sa basketball court ay may isang babae nga na sumugod kay Donny, umakbay at nakipagpa-selfie. Pero bago umalis ay hinalikan muna ng fan ang ka-loveteam ni Belle Mariano.

Baka Bet Mo: ‘KMJS’ naglabas ng pahayag kaugnay sa ‘nakawan ng photocards’, nakiusap na tantanan ang pamilya ni ‘Bea’

Natawa na lamang ang Kapamilya actor sa pagnanakaw sa kanya ng halik pero halatang nagulat siya pero wala nang nagawa dahil nangyari na.


Ayon sa mga supporters ni Donny, mukhang hindi raw masyadong mahigpit ang mga security staff na naka-assign para mabigyan ng proteksyon ang mga celebrities na nasa event.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon ng netizens sa nangyari kay Donny.

“Hayaan nyo na.. Pamasko nalang yan Pag lalake nagnakaw ng kiss: magpasko ka sa bilangguan.”

“What’s wrong if a fan kiss you? It’s a kiss for admiration. You should be happy.”

“Kung babae pa Yan. pulis agad brgy agad. nasaan ba Ang hustisya naming mga lalaki may damdamin Rin kami. marunong masaktan.”

Baka Bet Mo: Herlene kinampihan ng ilang netizens: Hindi naman niya nilapa ang nguso ni Alden!

“Hayaan mo na Halik lng nman, Wala nman mawawala sau, syempre crush ka nun d nya napigilan Sarili nya, pamasko mo nlng Yan sa kanya.”

“Di naman siguro maarte si Donny pero sana icontrol my mga infectious disease tayo ngayon nakakahiya yung ganyan”

“Ano naman? Sobra nmn arte nila kung irereklamo  p nila a pag halik ng babae.hindi porket artista cla ay iaarte n nila.”

“Bastusan na yan eh, tapos magagalit sila pag na-call out ng mga hinahangaan nila. “Wala kayong utang na loob kung wala naman kami hindi kayo sisikat!”

“Porket lalaki, doesn’t mean na di na harassment ang mga ganyan. People should learn about boundaries regardless of gender.”


“Sa mata ng batas bawal yon. halimbawa kong lalaki ang nagnakaw ng halik baka ipolis nayan ngayon kong papalag ang lalaki o magpapa polis sabihan lang ang arti naman baliktarin natin sa side ng babai bakit ang mga babae madami naman ang maaarti kahit masagi lang kahit di nga sinasadya ipina baba Bgy agad iyon sadya yon na halik  na walang paalam.”

“Walang tlga magagaw kung nakawan.cia halik..bka n star strack c ate…wag n cia mag inarte..kung gusto nia makuha ang sinpatya ng fans.”

“Kung sa babae yan, harassment agad.. pero pag lalaki? ano? ok lang? may batas ba para mag reklamo ang lalaki pag nabastos ng babae?”

“Kaloka, nasaan ang security? Bakit pinapayagang makalapit sa celebrity na walang kaabog-abog.”

“Minsan talaga sumusobra na ang fans.Dapat aware sila sa kanilang boundaries.”

“Di ko talaga gets yang mga nanghahalik ng artista. tao din yan. ikaw ba gusto mo halikan ng di mo kilala? do unto others what you want others to do unto you.”

Read more...