Sigaw ng mga Netizen: Fan na nagnakaw ng halik kay Alden ‘Sinampal’ si Yaya Dub
ANG palpak na security marshals ang sinisi ng mga tao sa social media kaya nasaktan si Maine Mendoza in a recent episode of a noontime show. May ale kasi na excited mahalikan si Alden Richards at wala siyang pakialam kay Maine kaya naman natamaan niya ng kamay niya ang mukha ng TV personality.
Halatang nasaktan ang dalaga pero parang deadma lang ang ale, wala siyang pakialam kung nakasakit na siya. Ni hindi ito nag-sorry kay Maine basta ang target niya lang ay ang mahalikan si Alden.
With that incident, ang bouncers ang pinagdiskitahan ng netizens. Ang feeling nila ay walang silbi ang security ng dalawa dahil nakakalapit ang fans nila to the point na nasasaktan na sila.
Kahit pa sabihing aksidente ang naganap at hindi sinasadya ay masakit pa ring mahampas ng kamay.
“They should add more bouncers kung silang dalawa ang susunod sa brgy. Some fans are really uncontrollable! Tsk tsk.”
“Ung naka cap na humalik kay alden, Intentional ang pagkasampal kay Meng! Dapat pina-brgy yan e! Kainis!” “Ay grabe siya! Hindi aksidente ang pagkasampal kay Maine. Sinadya niya! Nagnakaw na nga ng halik kay Alden, sinaktan pa si Yaya!”
“Understandable naman na manggigil pero grabe, medyo ingat naman po. Solid yung tama ng kamay ni ate sa ulo ni Maine eh. Kawawa naman. Sana yung mga bodyguards medyo mas alerto. Binakuran na sana yung dalawa para wala masyado nakalapit.”
“Pag malapit na sa crowd dapat nakabarikada na yun bouncers nila kasi di talga mapigilan yun gigil ng fans sa kanila.” “Higpitan naman sana security next time pag yung dalawa yung nasa brgy.
Ang lalaki ng bouncers nakalusot pa yung mga tao. Tsk tsk Kawawa naman ang Menggay.”
Those were just a few comments na aming nabasa sa isang very popular website.
Ano ba naman ang mga bodyguard na kinukuha for Maine and Alden, parang hindi na sila marunong mag-deal sa mga fans. Noong una, nasaktan si Alden when fans mobbed him.
Talagang na-hurt ang binata nang pagkaguluhan siya ng kanyang fans. Nakapasok ang mga ito kahit na mahigpit ang security. Palabas na noon si Alden sa venue ng event niya pero nasundan siya ng fans na talagang hinabol pa siya.
Wala nga bang silbi ang bodyguards na kinukuha para sa dalawa? Bakit nakakalusot ang ganitong unruly na fans? Dapat na nga ba silang palitan ng management ng noontime show ng GMA?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.