G22 Jaz nakatanggap ng ‘death threats’, Cornerstone tiniyak na mag-iimbestiga

G22 Jaz nakatanggap ng ‘death threats’, Cornerstone tiniyak na mag-iimbestiga

PHOTO: Instagram/@
officialjasminehenry

NAKAKALOKA naman ‘yung hate messages kay Jaz, ang isa sa miyembro ng Female Alphas of P-Pop na G22.

Imbes kasi na pamba-bash lang ay nakakatanggap din siya ng death threats mula sa netizens!

Dahil diyan, nangako ang Cornerstone Entertainment na magsagawa ng legal action laban sa mga malisyosong komento na ibinabato sa P-Pop star na si Jaz.

Sa isang pahayag, sinabi ng entertainment agency na tutugisin at hahanapin nila ‘yung mga indibidwal na gumawa ng mala-death threats na posts.

“We remind the public to refrain from posting or sharing threats, irresponsible statements, or libelous comments against G22 member Jaz, as these actions are punishable under the anti-cybercrime law. We will investigate these posts and pursue the necessary legal actions,” sey ng ahensya.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: P-Pop group G22 chinika ang mga natutunan sa loob ng 2 years

Hindi pa ma-identify kung sino-sino ang mga ito, kaya naman nagpahayag na rin ng pagkabahala ang ina ng Pinoy pop artist na si Pin.

Sa pamamagitan ng X (dating Twitter), umapela si Mommy Pin na protektahan ang kanyang anak, kalakip ang ilang screenshots na mababasa ang ilang death threats.

“I’m sorry anak @jasminehenryy if your request cannot be granted at this time. Etong klaseng pag-uusap ‘di dapat hayaan dahil di mo ‘to deserve,” caption niya sa post.

Aniya pa, “I know you have warned me without full details but it has gone too far. I am calling the attention of @cornerstone_ofc to pls protect Jas.”

Nag-post rin ang lider ng G22 na si AJ at ipinangakong poprotektahan niya ang kanyang bandmate sa makakaya niya.

“@jasminehenryy is a kween baddie but a ray of sunshine. Wala ako masabi but all good things about this girl. If you wish to take that away from her, you will never,” wika niya sa X.

Dagdag pa niya, “I’ll be at the forefront to protect my girls Threats and Violence will NEVER be ok kahit joke pa yan.”

Iginiit naman ni G22 Alfea na walang may deserve na makakuha ng ganitong klaseng threats.

“Walang may deserves ng ganon lalo na si @jasminehenryy namin,” saad niya sa kanyang post.

Ilang araw matapos ibandera ng Cornerstone ang kanilang statement, tiniyak ni Jaz na siya ay okay pa.

“We a pact, they’ve got my back. [Love you], have a good day pooo,” sambit niya sa latest X post.

Para sa mga hindi aware, si Jaz ang main vocalist at youngest member ng G22.

Ilan lamang sa mga sikat na kanta ng girl group ay ang “One Sided Love,” “Boomerang,” “Babalik,” at marami pang iba.

Read more...