Elvis Gutierrez miss na miss na si Alexa: ‘It’s the 40th day without you’

Elvis Gutierrez miss na miss na si Alexa: ‘It’s the 40th day without you'

PHOTO: Instagram/@life.of.guti

INALALA muli ni Elvis Gutierrez ang yumao niyang asawa na si Alexa makalipas ang 40 days nang pumanaw ito.

Sa Instagram, ibinandera ni Elvis ang ilang throwback pictures at videos nila ng misis, kasama ang mga anak na sina Aria at Ezra.

Aminado ang kapatid ni Ruffa Gutierrez na miss na miss na niya si Alexa at nais na niya itong makausap.

“It’s the 40th day without you, my love,” caption niya sa IG post.

Mensahe ni Elvis, “I want to talk to you already, to ask how you are, and to tell you how we’ve been. I hope you can hear me when I talk to you.”

Baka Bet Mo: Elvis inaming muntik na silang maghiwalay ni Alexa: Naging cold siya

“We have been missing you everyday, you really made us feel your love in every kiss, every hug and every ‘I love you.’ I will hold on to that for as long as I live,” pangako pa niya sa yumaong misis.

Aniya pa, “I miss you so much.”

Sa comment section, mababasa na nagpahayag din ng pagmamahal ang mga kapatid ni Elvis na sina Ruffa, Raymond at Ramon Christopher.

Nagpaabot din ng red heart emoji ang pamangkin nito at panganay na anak ni Ruffa na si Lorin.

Kung matatandaan, nitong Enero nang ma-diagnose si Alexa ng acute lymphoblastic leukemia, isang klase ng cancer kung saan ang bone marrow ay gumagawa ng napakaraming lymphocytes (isang uri ng white blood cell).

Noong July 28 naman nang tuluyan nang binawian ng buhay si Alexa matapos ang pakikipaglaban sa sakit.

Read more...