Sigaw ng netizens: Pia ‘second-rate copycat’ daw ni Heart

Sigaw ng netizens: Pia 'second-rate copycat' daw ni Heart

Heart Evangelista at Pia Wurtzbach

IDOL nga ba ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang international fashion icon at Kapuso actress na si Heart Evangelista?

Sinusundan-sundan din ba ng TV host at dating beauty queen kung saan may mga endorsements at brand events ang wifey ni Senate President Chiz Escudero?

Iyan ang tanong ng mga supporters ni Heart dahil pansin na pansin daw nila ang mga “the moves” ni Pia pagdating sa pagiging influencer at ambassador ng mga sikat at sosyaling serbisyo at produkto.

Baka Bet Mo: Pia game na game sa lahat ng laban sa buhay: ‘Live life to the fullest!’

Nitong nagdaang June nga lang daw, naging Friend of the House (endorser) din si Pia ng Italian high jewelry brand na Bulgari na matagal nang hawak ni Heart.


At kamakailan lamang ay naging part din si Pia ng Autumn/Winter campaign ng ION Orchard-Singapore na si Heart ang global ambassador.

May mga netizens ang nagsasabi na baka nga coincidence o nagkataon lang talaga ang mga kaganapang ito pero may matatapang na nagsasabi na gaya-gaya na talaga si Pia.

Meron pa nga kaming nabasang comments sa social media mula sa ilang tagasuporta ni Heart na baka raw nagkakaahasan na ng brand endorsements?

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nawalan ng milyones dahil sa naarestong asawa ni Terrence Romeo: Nagtiwala ako, e!

At ang pinaka-nakakaloka, tinatawag din ngayon ng mga netizens si Pia na “copycat” ni Heart dahil napapansin nila na kahit daw sa mga Instagram post ay parang ginagaya ng dating beauty queen ang misis ni Sen. Chiz.

Pati nga sa Paris Fashion Week, hindi nakapagpigil ang mga fans na okrayin si Pia na binansagan din nilang “second rate.”

Pero siyempre, to the rescue naman ang supporters ni Pia na nagsabing hindi raw copycat ang kanilang idolo. May sarili raw tatak ang asawa ni Jeremy Jauncey at magkaiba naman daw ng fashion taste ang dalawa.


Anyway, kasama si Heart mga rumampa at nag-open sa runway para sa show ni Vietnamese designer Phan Huy. Inirampa dito ng aktres ang Look No. 2 mula sa Giang Lagoon collection ni Phan.

Ang Look No. 2 ay isang black dress na nagmula ang inspirasyon sa mga fishing river and fishing area sa Central Vietnam.

Pagkatapos rumampa ni Heart, kahit wala pang rest ay tuloy pa rin siya sa pag-attend sa iba pang runway shows para sa mga sosyal at expensive brands like Hermes, Yves Saint Laurent, at Giambattista Valli.

Read more...