Groom nagtaksil 6 araw bago ikasal; bride itinuloy ang wedding

Groom nagtaksil 6 araw bago ikasal; bride itinuloy pa rin ang wedding

Ervin Santiago - September 04, 2024 - 12:15 AM

Groom nagtaksil 6 araw bago ikasal; bride itinuloy pa rin ang wedding

Lindsay Slater (Photos from TikTok)

ITINULOY pa rin ng isang bride ang nakatakdang kasal kahit na wala ang kanyang groom na nabuking niyang meron palang ibang babaeng kinakalantari.

Viral ngayon sa social media ang nakakalokang kuwento ni Lindsay Slater, 31, na hindi nagdalawang-isip na ituloy ang pinaghandaang wedding kahit na alam niyang hindi pupunta ang kanyang partner na nakasama niya ng 12 years.

Nakasama ni Lindsay Slater, na isang solicitor sa Mansfield, Nottingham sa England, ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanyang solong kasal na inilarawang isang “celebration of freedom”.

Base sa isang TikTok video, na ipinost ng kaibigan ni Lindsay na si Beth Paige, naganap ang “wedding” noong August 17, 2024, kung saan mapapanood ang ilang kaganapan sa naturang selebrasyon.

Baka Bet Mo: Bea, Dominic magkasamang um-attend sa pa-baby shower ni Beth Tamayo sa US

“You find out your fiancé is cheating 6 days before the wedding so you do it without him,” ang caption ni Beth sa naturang viral video.

Sa report naman ng The Bucks Herald, nakipagtalik daw ang groom ni Lindsay, sa ibang girl at nang kumprontahin ng bride tungkol dito ay lumayas na lang ang guy sa kanilang bahay.

Balak na sanang kanselahin ni Lindsay ang kasal, pero sa huli ay itinuloy na rin niya ito para ipagdiwang ang kanyang kalayaan.

”I chose to spend the day with close friends and family, rather than sit at home, crying,” ang pahayag ni Lindsay sa panayam ng The Bucks Herald.

Base sa ulat, umabot sa P2.6 million ang nagastos sa kasal na dinaluhan ng halos 70 katao. Ang Charlotte Elizabeth bridal gown ni Lindsay ay may price tag daw na P85,000.

Sa isa pang TikTok video na ibinahagi ni Beth, makikita ang kasiyahan ng mga bisita habang niyayakap at kino-congratulate si Lindsay dahil sa kanyang tapang at kalayaan.

Baka Bet Mo: Baguhang singer na si Lindsay Bolaños may laban ang boses, pangarap maka-collab sina Regine at Morissette

Pahayag ni Lindsay, “I thanked all my family and friends for being there. I said I didn’t know how I was going to survive this ordeal. But looking at all those supportive faces, I felt a bit better.”

Samantala, itinuloy din ng bride ang naka-schedule na honeymoon sana nila ng kanyang groom. Kasama pa rin niya ang kaibigang si Beth sa pagbabakasyon sa Crete, Greece.

Ibinahagi rin ni Beth sa TikTok ang video paglalamiyerda nila ni Lindsay. Aniya sa caption, “Honeymooning with your best friend because your ex cheated on you 6 days before the wedding.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“She continues to be an ICON who said honeymoons are just for married couples?!” sabi pa ni Beth patungkol sa kaibigan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending