Coney Reyes never nakialam sa lovelife ni Vico Sotto: Hindi ako strict!

Coney Reyes never nakialam sa lovelife ni Vico Sotto: Hindi ako strict!

Vico Sotto, Coney Reyes at Vic Sotto

NEVER nakialam o nanghimasok ang beteranang aktres na si Coney Reyes pagdating sa lovelife ng kanyang anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Feeling ni Coney, nasa edad na si Vico para mag-decide kung ano ang makabubuti para sa kanyang sarili pati na rin sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Sa nakaraang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda,” natanong ang TV icon kung may sey ba siya sa pakikipagrelasyon ng alkalde na hanggang ngayon ay nananatili pa ring single.

Baka Bet Mo: Janno sa umeepal sa pagluluksa ng kanyang pamilya: Shame on you!

“Hindi ako nakikialam. Mayroong mga gusto ‘Tita, ipakilala natin si ganito si ganyan.’ Sabi ko, ‘Sorry ‘di ako nakikialam.’


“Tapos sasabihin nila, ‘Ang strict ni Tita.’ Ay hindi sa strict! Hindi ako strict, kung strict ako e, ‘di bawal,” pahayag ni Coney na mapapanood muli sa Kapuso afternoon series na “Shining Inheritance.”

Tumigil na rin daw ang aktres sa pagtatanong sa anak tungkol sa lovelife nito at kung kailan nga ba balak magpakasal para bumuo ng sariling pamilya.

“Noong araw ginagawa ko, ‘Do you have a girlfriend na? Do you like somebody?’ Noon ‘yon. Ayoko na,” natatawang chika ng seasoned actress.

Baka Bet Mo: Coney Reyes emosyonal sa presscon: I hate fake news! Tama na!

At knows n’yo ba na wala pang dinadala o ipinakikilalang girlfriend si Mayor Vico sa kanilang pamilya?

“He had girlfriends, friends, mga classmates niya before, mga ganyan and they will all go out as a group.

“You know they will go out something like that for a break. Pero hindi naman kasi ako ano eh, alam ko na I’ve raised my children in a way na they know that they have fear of God. They know what they are doing,” sey pa ng aktres.


Inamin din ni Coney na na-shock siya nang magdesisyong sumabak sa politika ang anak dahil hindi niya na-imagine na magiging public servant ang binata.

“Medyo nagulat ako. Ako naman I respect his decisions. I know he doesn’t make a decision overnight like that. Parang he consults, prays,” anang aktres.

“I just want to encourage him because I know his on the right track,” sabi pa niya about Vico.

Samantala, mapapanood na ang bagong serye ni Coney sa GMA 7, ang Philippine adaptation ng hit South Korean drama “Shining Inheritance”. Bumida sa original version nito ang K-Drama stars na sina Lee Seung Gi, Han Hyo Joo, Moon Chae Won, at Bae Soo Bin.

At sa Pinoy version nga nito, bibida naman sina Kyline Alcantara, Kate Valdez, Paul Salas, at Michael Sager. Mapapanood ang world premiere nito sa September 9, 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Read more...