Samantha Bernardo biktima rin ng cheater; gustong mabuntis sa 2025

Samantha Bernardo biktima rin ng cheater; gustong mabuntis sa 2025

Samantha Bernardo at Scott Moore

NANINIWALA na ngayon ang beauty queen na si Samantha Bernardo na hindi hinahanap ang taong nakalaan at itinadhana para sa atin.

Nagkuwento si Miss Grand International 2020 1st runner-up tungkol sa nakakakilig na love story nila ng kanyang asawang si Scott Moore.

Una silang nagkakilala ni Scott noong 2018 nang magbakasyon siya sa Palawan right after manalo siya sa Binibining Pilipinas 2019.

Baka Bet Mo: Samantha Bernardo sa mga haters: I’m not fake, I’m human…I have feelings

“After Binibining Pilipinas ko in 2018, I went to Palawan. Dapat kikitain ko ‘yung ex ko that time. Kami pa nu’n  so it’s his birthday week so dapat magta-travel kami,” simulang pagbabahagi ni Samantha sa interview ni Bianca Gonzalez para “BRGY” ng TFC.

Patuloy niya, “Ang mali ko isinama ko ‘yung mom ko para bakasyon kami. So nakita ng mom ko mga three days, ‘Bakit hindi ito umaalis ng bahay?’


“Umiiyak-iyak na pala ako du’n because my ex cheated on me, and then dumped me tapos blocked me. But after that na-realize ko you will never be enough with the wrong person,” chika ng Pinay beauty queen.

Habang nasa Palawan pa siya, ay nakipagkita siya sa isang kaibigan, “May nakita akong friend, sabi niya, ‘Uy nandito ka pala sa Palawan, come hang out with us.’ Parang may festival sa may bay walk. Sabi niya, ‘Were one of the sponsors.’ Then my mom said go na.”

Baka Bet Mo: Joaquin natagpuan ang tunay na misyon sa pagiging ama: Nabuo ako

At doon nga niya na-meet si Scott, “So this was April 2018, so friends of friends of friends.”

Nakipag-date lang daw siya sa binata after six months mula nang magkakilala sila, “Kasi ayaw ko muna siya kitain in the next six months that time kasi moving on pa ako, healing.”

Sa Manila raw sila nagkikita kapag magde-date, “Because he’s here every month and most of his clients are Filipinos.”

Ayaw na sana ni Samantha sa long distance relationship o LDR dahil nga sa nangyari sa mga huling pakikipagrelasyon niya, “But I gave a chance kasi alam mo ‘yung personality namin, ‘yung pagkakalog namin swak talaga and then ‘yung conversations are really mindblowing and heart pumping.”

“Yung pagiging authentic naming dalawa, ‘yun ang nag-bond sa amin,” sabi pa niya about Scott na nagtatrabaho bilang Managing Director “for a residence and citizenship by investment company in Singapore.”


Nitong April, 2024 ikinasal sina Samantha at Scott, sey pa ng beauty queen, “Six years na kami ngayon and I feel like ang dami na naming pinagdaanan, so for this year we really want to travel.

“Four days lang kami dito sa Philippines and we keep on traveling for the last four months and we’re gonna  travel more this year,” dagdag niya.

Sa 2025, balak na nilang magka-baby,  “Next year if we will be blessed, we will have to start a baby but before that we will have a dog first para mag-practice.”

Nagbigay din ng advice si Samantha Bernardo sa mga magdyowang nasa LDR, “I know it’s not for all and naniniwala talaga ako we should love our partner the way they wanted to be loved. Naniniwala ako sa love language so huwag na natin ipilit kung hindi kaya.

“Kasi may mga relationships na unrequited love na feeling nila kung ano ‘yung mahirap iyon ‘yung kailangan na love, hindi eh. Love should feel free, love should be joyful. Love is parang kung ano ‘yung magco-complete sa ‘yo.

“For me ‘yun ang naramdaman ko kay Scott and even though we are in a long-distance relationship we really trust each other and at the same time we look forward to the same things in life,” aniya pa.

Read more...