Samantha Bernardo, Scott Moore nagpalitan na ng ‘I do’ sa Cebu
IKINASAL na si Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo sa non-showbiz boyfriend na si Scott Moore!
Naganap ito sa pamamagitan ng beach wedding sa Cebu na dinaluhan ng kanilang mga mahal sa buhay at kapwa-beauty queens.
Sa ilang Instagram Stories ng mga dumalo sa kasal, makikita na blooming na blooming si Samantha sa kanyang white halter wedding gown na gawa ng fashion designer na si Yeye Pantaleon.
Present sa special day ng couple ang kapwa-beauty queens na sina Nicole Cordoves, MJ Lastimosa, Samantha Panlilio, Roberta Tamondong, pati na rin ang aktres na si Ara Mina, ang stylist na si Ushi Sato at ang volleyball star na si Alyssa Valdez.
Baka Bet Mo: Samantha Bernardo sa pagsabak sa mundo ng showbiz: Hindi ko rin sure kung ito talaga ‘yung gusto ko pang gawin
Ibinandera naman ng Nice Print Photo noong April 12 ang official pictures ng bagong mag-asawa sa kanilang Instagram account.
Caption pa, “Just married! First official photos of our couple today, @samanthabernardo_ and Scott Moore [ring emojis] Wedding in Cebu City [heart emoji] Best wishes Samantha and Scott!”
View this post on Instagram
Bago makuha ang titulong first runner-up sa Miss Grand International, ilang beses nang sumali at nanalo sa beauty pageants si Samantha.
Kabilang na riyan ang pagtanghal sa kanya bilang second runner-up sa Binibining Pilipinas pageant noong 2018 at 2019, pati na rin ang pagiging Top 13 sa Miss World Philippines noong 2013.
Bukod diyan, naging parte din siya ng final five housemates ng “Pinoy Big Brother: Kumunity” 10th season noong 2022.
Noong February 2023 nang ibinandera nina Samantha at Scott ang kanilang wedding engagement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.