MULI na namang ibinandera ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang kanyang abot-langit na pagmamahal at suporta sa kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.
Proud na proud ang Pinoy champ kay Chloe matapos ang bonggang-bonggang performance nito sa Sunday musical variety show ng ABS-CBN na “ASAP Natin ‘To.”
Sing and dance si Chloe sa awiting “Havana” ng American singer-songwriter na si Camila Cabello at kitang-kitang super nag-enjoy siya sa kanyang production number.
Baka Bet Mo: GF ni Carlos na si Chloe tumanggi sa interview: Ay, sorry! Wag na!
Kuwento ng kontrobersyal na dyowa ni Caloy, ito na ang ikalawang beses na nag-perform siya sa “ASAP”. Yung una raw ay sa “iWantASAP” ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Chloe ang mga litrato niya na kuha bago ang kanyang guesting sa “ASAP” last Sunday.
Aniya sa caption, “From iWant ASAP 5 years ago, to my first ever ASAPOFFICIAL prod.”
Napa-comment naman agad si Carlos sa IG post ni Chloe, “I’m so proud of you mahal ko grabeeeeee!” Na sinagot naman ng content creator ng, “Carlos Edriel Yulo thank you for being so supportive mahal ko.”
Samantala, after ng performance ni Chloe sa “ASAP” at ininterbyu siya ng mga host ng show na sina Robi Domingo, Edward Barber at Maymay Entrata.
Baka Bet Mo: Chloe nagplano ng dinner kasama ang pamilya ni Carlos Yulo, pero anyare?
“Kinakabahan po ako,” ang pag-amin ni Chloe nang tanungin kung ano’ng feeling niya na nagbabalik siya “ASAP”.
“I’m just so excited and happy to be here po. Let’s see what the future holds,” ang sagot ng dalaga sa tanong kung ano ang mga susunod na aabangan ng fans sa kanya.
Kamakailan ay nabanggit ni Chloe sa isang event na wala siyang planong pumasok sa pag-aartista, “Ah no, no showbiz for me po. More on, I think, I’ll keep creating content.”