Alden mas naging close pa kay Kathryn matapos mag-shooting sa Canada

Alden mas naging close pa kay Kathryn matapos mag-shooting sa Canada

Alden Richards, Kathryn Bernardo, Joross Gamboa at Cathy Garcia

NAGING sentimental at emosyonal ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa mga huling araw ng shooting nila ni Kathryn Bernardo sa Canada.

Nakauwi na sa Pilipinas si Alden makalipas ang isang buwang pananatili sa Canada kung saan kinunan ang pelikula nila ni Kathryn na “Hello, Love, Again,” ang sequel sa blockbuster movie nilang “Hello, Love, Goodbye.”

Kuwento ni Alden sa panayam ng “24 Oras” nitong nagdaang Biyernes, August 30, hindi niya napigilan ang sarili na makaramdam ng “sepanx” o separation anxiety sa pagtatapos ng kanilang shooting.

Baka Bet Mo: Mga ‘anak’ ni Comedy King Dolphy muling nagsama-sama sa ‘biglaang reunion’, Vandolph sobrang nami-miss ang yumaong ama

“I felt a little bit sentimental, of course, with the place and ang haba ng time na magkakasama kami roon, so nagulat ako in an instant tapos na pala siya,” ang pahayag ng Kapuso superstar.

Inamin ni Alden na sa tagal ng pagsasama nila sa Canada, mas lalo pa raw siyang naging close sa buong cast and production ng “Hello, Love, Again” kabilang na siyempre ang kanyang leading lady na si Kathryn.


“Mas naging solid, mas naging closer, mas nakilala namin ‘yung isa’t isa and at the same time parang, you know, you really get to know the person once you get to work with her in a set-up na matagal magkasama,” chika pa ni Alden about Kathryn.

Baka Bet Mo: Xian Lim pasadong direktor ng comedy film na ‘Hello, Universe’, Janno pinatunayang may magic pa rin sa drama at komedya

Ang “Hello, Love, Again” ay ang part 2 nga ng makasaysayang movie nina Alden at Kathryn na “Hello, Love, Goodbye,” na parehong idinirek ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Sampana.

Sa kuwento, muling gagampanan nina Alden at Kathryn ang mga karakter nilang Ethan at Joy, na parehong mga OFW sa Hong Kong sa “Hello, Love, Goodbye.”

After five years mula nang magkalayo ang dalawa ay muling pagtatagpuin ng tadhana sa Canada.

“When it comes to Joy and Ethan naman, without giving much spoiler, this is a more mature take on both characters,” pahayag ni Alden.

Read more...