Coney Reyes emosyonal sa presscon: I hate fake news! Tama na!

Coney Reyes emosyonal sa presscon: I hate fake news! Tama na!

Coney Reyes, Vico Sotto, Kate Valdez, Kyline Alcantara, Paul Salas at Michael Sager

“I HATE fake news!” Yan ang ipinagdiinan ng veteran actress at dating TV host na si Coney Reyes sa talamak na pagkalat ng mga pekeng balita sa social media.

Ito’y sa gitna ng kinakaharap na issue at kontrobersya ng kanyang anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto na kamakailan lang ay sinampahan ng dalawang graft case.

Bukod dito, marami ngang fake news ang naglalabasan sa socmed tungkol kay Mayor Vico na walang basehan at pawang mga imbento lamang ng mga taong walang magawa sa kanilang buhay.

Baka Bet Mo: #AyawPaawat: Vic, Coney nagpakita ng suporta sa anak na si Vico Sotto

Hindi nabanggit ni Coney ang pangalan ng kanyang anak na alkalde pero mukhang ito nga ang pinaghuhugutan niya sa mga nabitiwang salita tungkol sa lumalalang problema ng bansa sa fake news.


Muling nakaharap ng ilang members ng entertainment media ang beteranang aktres sa grand presscon ng latest afternoon series ng GMA, ang Philippine adaptation ng hit K-drama na “Shining Inheritance” kung saan makakasama niya sina Kate Valdez at Kyline Alcantara.

Ang “Shining Inheritance” ay isa sa mga blockbuster Korean series na pinagbidahan nina Han Hyo-joo, Lee Seung-gi, Moon Chae-won, at Bae Soo-bin. At sa Pinoy version nga nito ay bibida sina Kyline, Kate, Paul Salas at Michael Sager.

Napakaraming kuwento ni Coney tungkol sa kanyang comeback teleserye sa GMA 7 kabilang na ang mga nakakatuwang experience niya working with the Kapuso youngstars.

Ngunit sa huling bahagi ng presscon ay naging emosyonal si Coney Reyes at naglabas nga ng sama ng loob sa mga taong nagpapakalat ng fake news.

“Let’s spread good news, and love, and kindness. Para gumaan naman ang buhay ng mga tao. I don’t know, it might not be the right venue to say it, but please allow me…

“I hate fake news! How can people try to put down other people just for their own gain? Ano, just to earn money? God can bless you. God can give you,” pahayag ng veteran star at showbiz icon.

Baka Bet Mo: Ano kaya ang trabaho ni Vico ngayon kung hindi siya nanalong mayor ng Pasig?

Patuloy pa niya, “Bakit kailangan natin magsiraan? Bakit kailangan nating mag-imbento ng kung ano-anong kuwento?

“Bakit kailangan nating siraan ang bawat isa? Tama na! Paano tayo aasenso bilang isang bansa, paano?


“If we are going to be thinking only about ourselves, our own gains, magkano kikitain dito, ilang views, etcetera.

“Ang dami na nating mga kaibigan na sumakabilang-buhay na recently. So many of them, na very affluent. Pero nakita natin, ano ang naalala sa kanila?

“Hindi naman ang pera nila, eh. Ang naalala sa kanila ay kung ano ang kabutihan na naiwan nila.

“Di ba, mas maganda `yung ganun, na may maiwan tayong kabutihan sa kapwa natin, sa bansa natin, kahit papaano. If each one of us, alam niyo maliit pa akong bata, palagi ko itong sinasabi,” pahayag pa ni Coney.

Dito niya naikuwento ang isang tagpo noong kabataan niya kung saan pinagsabihan daw niya ang kanyang kapatid na nagtapon ng balat ng candy sa bintana ng kanilang sasakyan.

Ang sagot daw ng kapatid sa kanya ay, “Why, who cares, anybody does it anyway.” Sabi naman niya sa kapatid, kung lahat daw ng tao ay ganu’n ang  takbo ng isip, ano na lang ang mangyayari sa Pilipinas?

Sa katunayan, kapag nakakakita siya ng kalat tulad ng papel, balat ng candy at maliliit na basura ay pinupulot daw niya at itinatapon sa basurahan at talagang ipinapakita raw niya ito sa mga taong nagtapon at nagkalat.

“We have to be good examples to the people around us. Hindi ko sinasabi na in a big, big way. Even in a little way. And when you do that, may mga effect ‘yan na maganda,” ang pahayag pa ni Coney. “Let’s honor God in what we’re doing,” aniya pa.

Read more...