Trigger Warning: Mention of rape, sexual assault
NAGULAT sina Mama Loi at Tita Jegs sa dire-diretsong kuwento ni Ogie Diaz kung paano umano hinaras si Gerald Santos ng isang musical director sa “Showbiz Update” vlog nila na sa YouTube.
Mismong si Gerald ang nagsabi sa Senate hearing na pinangunahan nina Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada na “ni-rape” siya noong 15 years old pa lang siya.
Sa pagdinig ng Senado kamakailan ay pinangalanan ni Gerald ang musical director na si Danny Tan na noo’y isa sa hurado ng singing contest sa GMA 7 na “Pinoy Pop Superstar” hosted by Regine Velasquez.
Baka Bet Mo: Danny Javier: Pumunta akong langit, purgatoryo at saka impiyerno…pagdating ko du’n ang daming taong nakapila
“Inamin na rin ni Gerald Santos ang perpetrator or kung sino ‘yung tinutukoy niya na diumano’y nanghalay sa kanya noong siya’y kinse anyos (and) that was 19 years ago at ito’y walang iba kundi ang musical director na si Danny Tan,” bungad ni Ogie.
At dito na idinetalye ni Ogie ang umano’y pangyayari sa pagitan nina Gerald at Ginoong Danny Tan.
“Ang kuwento nga ay isinama siya roon sa Iloilo show daw na silang dalawa lang. Pagdating doon ay totoo namang may show, ang sabi ay doon daw namalagi sa bahay ni Danny Tan sa Iloilo si Gerald.
“Tapos ang ikinuwento pa, e, habang kumakain sila ay may something na inilagay sa inumin, oo,” pahayag ni Ogie.
Nagulat si Mama Loi, “Ha? Parang wala naman kaming narinig na ganyang kuwento ‘Nay?”
“Hindi ba ‘yan naikuwento?” tanong din ni Ogie.
Sabi ni Mama Loi, “Parang ikaw pa lang ang nagsabi no’n. Ba’t mo alam?”
Biglang natigilan si Ogie at nag-isip, “Sino nagkuwento sa akin no’n?”
Natatawa naman si Tita Jegs sa likuran nina Ogie at Mama Loi sabay sabing, “Hala!”
Hirit ni Mama Loi, “Totoo? Ganu’n ang nangyari?”
Nilingon ni Ogie si Tita jegs, “Ikaw ang kausap ko.”
“Ay hindi ko nga alam ‘yan, eh,” mabilis na sabi ni Tita Jegs.
“So, lumalabas mahadera lang ako?” sambit ni Ogie.
“First time kong marinig ‘yang kuwento. Sino nagkuwento?” tanong ulit ni Mama Loi sa co-host.
“Ay mali, erase-erase. Hindi pala nakuwento ‘yan sa senado?” kunwaring nalilito si Ogie.
“Wala, pinangalanan lang niya (Gerald) kung sino, pero walang ganyang kuwento,” diin ni Mama Loi.
“Ah, e, hayaan mong magkuwento ‘yung bata kung mabigyan siya ng pagkakataon na kung ganu’n nga ang nangyari pero kung hindi naman, e, please disregard my previous message,” seryosong sabi ni Ogie.
Sabay hirit pa ni Ogie, “Nakarating lang naman sa akin kung ano talaga ang naganap doon pero puwede naman itong pabulaanan nina Gerald at Sir Danny Tan. Hindi pa rin siya nagsasalita, ‘no?”
Kung kilala ng mga tagasubaybay niya si Ogie ay maniniwalang ito nga ang kuwento ng nangyari kay Gerald Santos.
“Active pa rin naman sa FB si Sir Danny Tan at hindi rin natin alam baka kumikilos din itong si Sir Danny to defend himself,” sabi pa ni Ogie.
Samantala, 19 years ago na ang nangyari at ngayon lang planong magsampa ni Gerald ng kaso kaya ang tanong ay ano ang ikakaso at puwede pa ba pagkalipas ng halos dalawang dekada.
“Ang sabi sa akin, correct me if I’m wrong na may prescriptive period na 20 years ang rape, so between that period, puwede kang magsampa ng rape case.
“Itong kay Gerald ay 19 years ago at ang rape raw ay lalaki sa babae lamang. Ngayon ito lang 2022 yata, correct me if I’m wrong , e, pumasa ‘yung rape sa babae sa babae at lalaki sa lalaki, so pumasok kay Sandro (Muhlach) kasi 2024 ‘yung kay Sandro.
“So, kung rape ang ikakaso ni Gerald kay Danny Tan ay baka hindi pumasok kasi wala pang ganu’ng lalaki sa lalaki, so, depende kay Gerald (kung ano ang ikakaso), sexual assault o child abuse kasi 15 (years old),” esplika ni Ogie.
Pero hiningi niya ang opinyon ng abogadong si Atty. Regie Tongol na abogado nina Ogie at Mama Loi kasama si Ate Mrena sa kaso nila kay Bea Alonzo.
“Nineteen years na nangyari, so, kailangan mayroon tayong 20 years na prescriptive period para makapag-file pa rin si Gerald ngayong 2024.
“At ang mga may penalty lamang ng Reclusion Perpetua ang mag-a-allow sa kanya sa 20 years prescriptive period. Pag hindi reclusion perpetua ang penalty ng isang krimen then it is only 15 years, so, paso na ang pagpa-file ng kaso ni Gerald kung saka-sakaling ngayon niya ito ipa-file, 2024.
“Ano naman ang mga krimen na nag-a-apply 19 years ago nu’ng 14 or 15 years si Gerald na minor pa siya.
“Dalawa ang batas na puwedeng mag-apply, una R.A. 7610 Child and Youth Welfare Code under section 5B of that law or sexual abuse or act of lasciviousness can be committed against a child wherein a punish by reclusion temporal at ang reclusion temporal only has 15 years of prescriptive period kaya paso na under that law ang kaso na puwedeng i-file ni Gerald.
“The second law that is applicable is the revised penal code which has been amended in 1997 at ‘yung amendment na ‘yun contains two modes by which a rape can be commited under first mode or paragraph 1 of that law.
“It can be committed by a man having carnal knowledge of a woman when the there is no consent given by the woman.
“And under the same paragraph nakapaloob doon ‘yung 12 years and below na statutory rape provision.
“At dito sa paragraph 1 na ito ang penalty imposed is reclusion perpetua meaning papasok ito at kung ito ang i-look ni Gerald na batas then 20 years ang prescriptive period at hindi pa paso ang pagpa-file niya ng kaso.
“However, since the parties allegedly si Danny Tan at si Gerald Santos ay hindi naman man and woman and they are both on the same sex and paragraph 1 will be totally applicable in this case, so we go to paragraph 2 which is rape via sexual assault.
“And under this provision can be committed by a inserting in the mouth or back side of another person ang isang bagay, instrument, genitalia, na parte ng katawan ng isa pang tao.
“At ang penalty na imposed by paragraph 2 is reclusion temporal as well na 15 years lang ang prescriptive period kaya paso na rin ang pagpa-file ni Gerald kung ito ang i-evoke niyang batas.
“Iba naman ang usapan kung ang krimen ay nangyari noong 2022 onwards dahil meron na namang pag amienda sa revised penal code at ito ‘yung anti-rape law of 2022.
“The paragraph 1 na tinutukoy natin kanina ay hindi na kailabgan ang lalaki at babae ang parties, puwede na dito ang any person at sa same paragraph na ‘yun ang statutory rape has now become from below 12 years to now below 16 years.
“So, 15 years that time si Gerald puwede niyang i-evoke ‘yun, sana kung existing na ‘yung batas na ‘yun nu’ng 2005 however, we all know na hindi naman existing ‘yung batas na ‘yun sa mga panahong iyon.
“So, in other words Gerald cannot anymore file cases that has already prescribe 15 years ago dahil pang 19th year na this 2024 whether under RA 7610 or under anti-rape law,” esplikang mabuti ni Atty. Regie Tongol.
Malinaw na paliwanag ni Atty. Tongol at malaking tulong ito para sa kaalaman ng lahat lalo na ‘yung may mga ganitong uri ng kaso na nahihiyang lumantad.