TOTOONG may “fear factor” na naramdaman ang Vivamax actor na si Albie Casiño nang malamang magiging tatay na siya.
Iyan ang pag-amin first-time daddy nang tanungin namin siya kung ano ang kanyang na-feel nang sabihin sa kanya ng kanyang parter na si Michelina na he’s gonna be a father na.
Nakachikahan ng BANDERA ang hunk actor sa presscon ng latest movie niya sa Vivamax, ang “Butas” kung saan makakasama niya sina Angelica Hart, JD Aguas at Angela Morena.
“At first, siyempre takot and then naging excitement din. And then it just turned to…wala, e. Ito na ang kailangan kong gawin. This is my life now. It’s the best,” simulang pagbabahagi ni Albie.
Baka Bet Mo: Joey, Alma naiyak nang malamang pregnant si Winwyn: Buntis ka? Kailan pa ‘yan? Ilang buwan?
Naikuwento rin ni Albie na malaking tulong sa pagiging hands-on daddy niya ang pagkakaroon ng pet dog dahil parang na-train na raw siya sa pag-aalaga ng baby.
“Having a dog kinda readied me kasi, di ba, kapag pagod ako, galing taping or nag-gym ako, even if I don’t wanna walk the dog, I have to walk the dog because she needs to be walked.
“It’s like that. Kung may days na lazy ka sa bahay, ayaw mong umalis, but ubos na yung dog food. I have to buy dog food.
“So it taught me a little bit of responsibility for now that I really need all of the responsibility,” aniya.
Katuwang ni Albie sa pag-aalaga kay Baby Andrew ang partner na si Michelina, “Super Facetime kami kapag nasa work ako. Iniisip ko pa rin siya.
Baka Bet Mo: Angelica halos mabaliw nang malamang buntis: Natatakot ako! Kaya ko ba magpalaki ng bagets?
“When I’m home, super happy ako. He’s developing a personality na, like, nakikilala na niya kung sino kami. Kapag narinig na niya ang boses ko, hinahanap na niya ako.
“Or kapag pumupunta yung mom ko, kapag narinig niya yung boses ng mom ko, alam niya na nandoon na yung lola niya,” kuwento ni Albie.
Natatawa pang kuwento ng aktor tungkol sa panganay na anak, “Nu’ng pinuntahan ko siya sa US, wala talaga. Tinititigan ko lang siya tapos kapag natutulog, tinitingnan ko kung humihinga.
“Kapag sobrang pagod na pagod ka, (sasabihin ko), ‘Please, matulog ka na.’ Okay, puwede na akong mag-gym or something. Tapos habang nagdyi-gym ka, ‘I-check ko nga ito. Humihinga ba ito?’
“Kikilitiin mo yung paa, kung gumalaw, okay. Balik-gym ka uli.
“My baby now, he has a bedtime. I put him down at 8:30 p.m., then he’ll wake up always around 11 p.m. to 1 a.m.. Then you have to feed him, change him, and if you guys know babies, you can’t change them right away.
“Kapag inihiga mo, susuka yan so I gotta burp him. And then you put him down and change him and then he’ll wake up again at, like, 3 a.m..
“And my girl, Michelina, will go home to the States in September so ako lang dito. We have a yaya, of course, but she doesn’t sleep in the room with us.
“But then again, I don’t mind. When he smiles when he sees you, nawawala ‘yung pagod,” sey pa ni Albie Casiño.