Piolo atat na atat na sa reunion movie nila ni Juday: Ready ako anytime!

Piolo atat na atat na sa reunion movie nila ni Juday: Ready ako anytime!

Piolo Pascual, Kyle Echarri, Grae Fernandez at Judy Ann Santos

WALA nang balak mag-quit sa paggawa ng teleserye ang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual tulad ng nababanggit niya sa ilang panayam ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Feeling ni Papa P, hindi pa ito ang tamang panahon para tumigil siya sa paggawa ng TV series, lalo na ngayong umaani ng papuri at magagandang review ang umeereng serye nila sa ABS-CBN na “Pamilya Sagrado.”

Isa raw sa mga dahilan kung bakit tinanggap niya ang “Pamilya Sagrado” ay ang napakagandang kuwento nito at sa mga artistang makakasama niya. Bukod dito, hindi raw niya mahindian ang yumaong head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal.

Baka Bet Mo: Angelica paninindigan ang ‘pagre-retire’ sa teleserye, magbabago lang ang desisyon kung…

“Sinabi ko ayaw ko na mag-soap pero ang ganda kasi ng intensyon. And si Tito Deo, he is so passionate about storytelling. I hope people will watch it not to be entertained but to learn from it.


“I couldn’t say no. I wanna be part of the show that tells a good story,” ang pahayag ni Piolo.

Patuloy pa niya, “I find it hard to say no to the offers that have been coming my way like when I said I wasn’t going to do soaps anymore and then Tito Deo pitched ‘Pamilya Sagrado’ to me.

“If I didn’t agree to do it, then I would have to carry that regret for the rest of my life.

“I don’t want to pass up on projects that I feel have potential. I’m a sucker for good stories. Work for me is just a matter of planning and scheduling.

“My movies are being released one after another because I haven’t stopped working, even during the pandemic lockdowns,” chika pa ni Papa P.

Nakachikahan ng BANDERA at ng ilan pang miyembro ng entertainment media si Piolo sa naganap na intimate presscon kahapon, September 1, na in-organize ng Dreamscape para kay Piolo at sa dalawa pa niyang co-stars sa “Pamilya Sagrado”, sina Kyle Echarri at Grae Fernandez.

Sabi nga ng premyadong aktor, hindi pa tapos ang “Pamilya Sagrado” ay looking forward na siya sa susunod niyang teleserye sa Kapamilya Network. Ganu’n daw siya ka-passionate ngayon sa kanyang career ngayon.

Dahil dito kaya natanong ng BANDERA si Papa P kung posible na bang mangyari this year or next year ang inaabangang reunion project nila ni Juday. Yes na yes ang agad na sagot ng aktor.

Baka Bet Mo: Aiko sa rebelasyon ni Eric Quizon: Akala ko hindi niya ako type!

“I’ll drop everything for her. I mean, wow!  I owe her so much. I miss working with her. Given a chance, anytime, in a heartbeat,” ang mabilis na sabi ni Piolo.

In fairness, hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang mga fans nina Piolo at Juday na patuloy na umaasa na muli silang magtatambal sa isang project makalipas ang mahabang panahon.

“Kahit naman ako nag-e-expect, e, just like them, so sana, sana,” ang sabi pa ni Papa P.

Kung siya ang papipiliin, anong genre o tema ng pelikula ang gusto niyang gawin nila ni Juday para sa pinakahihintay na comeback ng kanilang tambalan.


“Ang gusto ko sana parang Tagos Ng Dugo, parang yung ganu’n, mga crime, thriller-suspense, psychological drama. Para hindi na romcom,” pahayag pa ng 7th The EDDYS best actor for his award-winning film “Mallari.”

Natanong din si Papa P kung bakit nga ba until now ay hindi pa rin matuluy-tuloy ang reunion project nila ni Judy Ann, ano ang nagpi-prevent sa kanila para ibigay na ito sa kanilang loyal supporters.

“Not me, ask her. Ha-hahaha! Ako, I’m always open,” diretsong sagot ni Piolo.

Samantala,ibinalita nga nina Piolo, Kyle at Grae na magsisimula na ngayong araw, September 2 ang bagong laban at bagong yugto ng “Pamilya Sagrado” sa bago nitong oras.

Mapapanood na ang serye tuwing 9:30 p.m. pagkatapos ng “Lavender Fields” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z at TV5! Mapapanood din sa iWantTFC at TFC. Ito’y mula sa direksyon nina Lawrence Fajardo, Andoy Ranay at Rico Navarro with special guest director Coco Martin.

Read more...