Coco pumayag idirek ang action scenes sa Pamilya Sagrado

Coco pumayag idirek ang action scenes sa ‘Pamilya Sagrado’ ni Piolo

Reggee Bonoan - August 08, 2024 - 04:32 PM

Coco pumayag idirek ang action scenes sa 'Pamilya Sagrado' ni Piolo

ANG tarush ni Coco Martin bilang direktor dahil hindi lang ang sariling programa ang idinidirek niya ngayon kundi pati na rin ang ibang show ng ABS-CBN.

Nang ma-post sa Instagram account ng Dreamscape Entertainment ang larawang magkasama sina Coco at Piolo Pascual ay nasulat namin dito sa BANDERA na baka may pagsasamahang project ang dalawa.

It’s either guest nila ang isa’t isa sa kani-kanilang seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” o sa “Pamilya Sagrado, pero mas matindi pa pala.

Yes, may collaboration ang dalawang aktor dahil si Coco ang nagdirek ng action scenes sa “Pamilya Sagrado.”

Ang kuwento ay isinama ng actor-director ang Team “Batang Quiapo” sa Team “Pamilya Sagrado” at game na game silang magkakatrabaho para sa mga pasabog nilang eksena.

Baka Bet Mo: Coco Martin nag-sorry kay Celia Rodriguez, anyare?!

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nabanggit din naman ito ng aktor at direktor sa panayam niya sa “TV Patrol” kamakailan at ipinasilip din ang ilang eksenang magkakasama sina Piolo, Shaina Magdayao at John Arcilla.

“Nandito kami para sumuporta at tumulong. Isang malaking karangalan na maidirek sina kuya PJ (Piolo) at ang lahat ng mga veteran actor,” sambit ng aktor.

Inamin naman ni Coco na malaking pagsubok ang kakaharapin niya kahit sanay na siyang sumabak sa action scenes para sa mga programa niya tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at “FPJ’s Batang Quiapo.”

“Honestly nai-stress ako ngayon pero kinakaya naman kasi na-excite kami dahil ang ganda ng istorya. Binibigay namin ‘yung pinaka-best namin,” say ng direktor ng “BQ.”

Ang saya-saya ni Coco habang nagkukuwento dahil unang beses niyang magiging direktor ng action scenes para sa ibang serye ng ABS-CBN kung saan hindi siya parte bilang artista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kadalasan lahat ng show ko, dahil ako ang artista, ako rin ang nagdidirek. Ngayon naman, ang sarap lang sa pakiramdam na naka-focus ako sa pagdidirek,” saad pa nito.

Sa pagsasanib-pwersa ng “BQ” team sa “PS” team ay mas pinalakas pa ito na dapat abangan ng mga manonood sa mga susunod na araw.

Kamakailan nga ay nagtala ng panibagong online records ang dalawang programa sa Kapamilya Online Live noong Agosto 7 kung saan pumalo sa 659,229 peak concurrent views ang “Batang Quiapo,” habang nakakuha ng 642,170 peak concurrent views ang “Pamilya Sagrado.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending