Heart wish makatrabaho si Bea; gustong basagin ang image sa pelikula

Heart wish makatrabaho si Bea; gustong basagin ang image sa pelikula

Bea Alonzo at Heart Evangelista

KUNG gagawa man ng bagong teleserye o pelikula ang Kapuso star na si Heart Evangelista kailangang matsa-challenge raw siya nang bonggang-bongga!

Inamin ng international fashion icon na nami-miss na rin niya ang umarte sa harap ng mga camera at looking forward na siya sa kanyang next acting projects.

Nitong mga nakaraang taon ay talagang nag-focus ang wifey ni Senate President Chiz Escudero sa kanyang pagiging influencer at ambassador ng mga luxurious brands.

Baka Bet Mo: Vice Ganda sa pinakamamahal na ina: ‘Bago siya matulog kailangang makita ko muna ‘yung mukha niyang walang pustiso’

Tinanggap din niya nang buong puso’t kaluluwa ang hamon bilang leader ng Senate Spouses Foundation (as wife of the Senate President) at siyempre tuloy pa rin ang kanyang advocacy for animal rights.


Pagdating nga sa kanyang career bilang artista, gusto ni Heart na gampananan ang mga mas challenging roles at mag-try ng iba’t ibang genre.

“I probably do miss acting and I will consider doing something. But if I were to do a movie, it would be something that break my character.

“Meaning to say, that you wouldn’t really see anything that’s of me in the role. So I want it to be a very challenging role,” ang pahayag ni Heart sa panayam ng GMA Network.

Baka Bet Mo: Maxene gagawa ng libro: I will share the important life lessons that I learn in my personal journey

“So I have a surprise actually. It will be within the year. It’s a very first of GMA so it’s a project that I will be collaborating with them that I’m very excited to be creating,” rebelasyon ng aktres.

At kung mabibigyan daw ng chance, gusto niyang makatrabaho at maka-collab ang mga friends niya sa showbiz, kabilang na riyan si Bea Alonzo.


“Gusto ko makasama ang mga friends ko. I don’t mind seeing Bea. Kahit one scene lang.

“Okay lang po sa akin ang three hours taping basta three hours or four hours max,” sey pa ni Heart.

Na-excite naman ang mga fans ni Heart sa possible collaboration ng dalawang Kapuso superstars. May ilang netizens ang nag-suggest na pwedeng gumawa ang magkaibigan ng isang serye o pelikula inspired by the Hollywood movie “Romy And Michelle’s High School Reunion”.

Ito’y pinagbidahan nina Lisa Kudrow at Mira Sorvino na ipinalabas noong 1997 na isang comedy film.

Pwede rin daw nilang i-remake ang horror-drama na “Patayin Sa Sindak Si Barbara.”

Read more...