HINDI naging hadlang para kay Jhong Hilario na tapusin ang kanyang master’s degree sa kabila ng pagiging TV host, aktor, konsehal ng Makati at bilang isang ama.
Naka-graduate na kasi si Jhong ng Master’s in Public Administration sa World Citi Colleges.
Bukod sa diploma, nakatanggap din siya ng “highest merits,” ayon sa X (dating Twitter) post ng entertainment reporter na si MJ Felipe.
LOOK: ‘It’s Showtime’ host Jhong Hilario just graduated and finished his Masters degree in Public Administration, with highest merits, from World Citi Colleges.
Congratulations Jhong! pic.twitter.com/aXusFgsXCi
— MJ Felipe (@mjfelipe) August 29, 2024
Noong August 28 nang maganap ang graduation ceremony ni Jhong sa PICC Plenary Hall at present diyan ang kanyang partner na si Maia, anak na si Sarina at ang kanyang ina na si Nanay Nelly.
Ayon sa Kapamilya reporter, nagkaroon ng magandang time management si Jhong kaya napagsabay-sabay niya ang kanyang mga ganap sa buhay.
“Kung talagang gusto, mero lang talagang paraan,” wika ni Jhong kay MJ.
Dagdag pa niya, “Thankful lang ako na napaka-supportive ng mayora namin sa Makati, Mayor Abby Binay. Ang dami kong natutunan sa kanya lalo na sa public administration.”
“Siyempre ang ‘Showtime’ family na talagang sobrang suporta and my family, Hilario family. Kapag lahat ng tao sumusuporta sa’yo, parang ang sarap gawin lahat kahit na mahirap,” masayang ani ng TV host.
LOOK: Speaking to ABS-CBN News, Jhong Hilario said time management played a crucial role – juggling his schedule as a student, councilor duties in Makati, hosting role in ‘It’s Showtime’ and being a father.
In this photo, Jhong together with his partner Maia, daughter Sarina… pic.twitter.com/vZaBoeYhnx
— MJ Felipe (@mjfelipe) August 29, 2024
Nachika niya rin na isang taon siyang nag-aral ng master’s degree sa nasabing paaralan.
“It’s a modular program. Ipapadala sa ‘yo yung mga modules, and then you have to research the books that you’ll read,” saad ni Jhong.
Nang tanungin naman siya kung bakit niya naisipang kumuha ng masteral.
Ang sagot niya, “Hanggang kailan ba ko sa pag-aartista? Maganda na rin siguro na may bala ka.”
“Hindi ka habambuhay artista, if ever na may opportunity na maibigay sa akin bilang public servant at least naka-ready ka,” paliwanag pa niya.
Nilinaw rin niya na hindi siya tatakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksyon.
Sa isang Instagram post, makikitang proud na proud si Sarina sa kanyang ama.
“We are so proud of you, Daddy @jhonghilario [purple heart emoji] Masters in Public Administration with Highest Merit, World Citi Colleges [emojis],” caption sa IG, kalakip ang ilang family pictures nila habang nakasuot ng toga ang akor.