Kyline nag-react sa viral ‘kandungan’ nila ni Kobe, nag-move on na kay Mavy?

Kyline nag-react sa viral ‘kandungan’ nila ni Kobe, nag-move on na kay Mavy?

Kobe Paras, Kyline Alcantara, Mavy Legaspi

TILA na-hot seat ang young actress na si Kyline Alcantara nang makapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda sa programang “Fast Talk” kamakailan lang.

Paano ba naman kasi, diretsahan siyang tinanong patungkol sa real score nila ng basketball player na si Kobe Paras, gayundin sa hiwalayan umano nila ng dating on-screen partner na si Mavy Legaspi.

Isa sa mga maintrigang inusisa sa kanya ay kung sila na ba talaga ni Kobe.

Ang sagot sa kanya ni Kyline, “Patawag po Tito Boy, pero hindi ko po kayo masasagot ngayon.”

“But all I can say is he makes me happy,” wika pa niya.

Baka Bet Mo: Kyline sa ‘relasyon’ nila ni Kobe: It’s a different feeling!

Isa rin sa mga tinanong sa aktres ay kung ano nga ba ang totoong nangyari kaugnay sa breakup nila ni Mavy dahil ang daming naglalabasang espekulasyon.

Safe ang naging answer diyan ni Kyline, pero malinaw na inihayag niya na tuluyan na siyang nakapag-move on sa kung ano man ang nangyari sa kanila ng aktor.

“Well, in every relationship naman po that I have or had, whether it’s professionally or friendly man or romantic, I always try to learn something from it both the good and the bad experiences,” bungad niya.

Patuloy niya, “Right now, I think we should move on from that experience and I will treasure that moment po kasi siyempre it makes me who I am today.”

“It made me who I am today with all that happened. I feel grateful that I experienced them po,” aniya pa.

@fasttalkgmaEXCLUSIVE: Kyline Alcantara, binasag ang katahimikan tungkol sa hiwalayan nila ni Mavy Legaspi! #FastTalk #FastTalkGMA #FastTalkWithBoyAbunda #BoyAbunda #KylineAlcantara #KobeParas #ShiningInheritance #TikToktainmentPH #fyp

♬ original sound – Fast Talk with Boy Abunda

Bukod diyan, natalakay din ni Tito Boy ang recent viral video na kung saan ay nakakandong si Kyline kay Kobe.

Chika ng aktres, “Sa bahay po ‘yan ng super close friend ko na naging friend na rin po ni Kobe. Nandyan po ‘yung mga non-showbiz friends ko at nandyan din po ang aking mga magulang.”

“Inaasar po kasi namin si Kobe na kumanta siya, nahihiya po siya. So I was just there to support and I guess that’s my way of supporting him,” kwento pa niya.

Magugunitang pinagpiyestahan ng Marites sa socmed ang TikTok video na makikitang kumakanta si Kobe sa tila videoke session ng kanilang barkada habang nakakandong nga sa kanya si Kyline na kilig na kilig sa panghaharana sa kanya ng basketball player.

Sa isang bahagi ng video ay hinalikan pa ni Kobe sa balikat ang aktres.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga netizens sa kanilang napanood kung saan may napa-sana all sa ka-sweetan ng rumored couple, pero meron ding na-turn off at nagsabing bumigay na raw si Kyline dahil first time nila itong nakita sa ganoong “posisyon.”

Kung matatandaan, si Kobe ay dating nakarelasyon si Erika Poturnak, ang anak ng batikang aktres na si Ina Raymundo.

Habang si Kyline naman ay na-link sa dating onscreen partner na si Mavy na nakilala sa “MavLine” love team.

Read more...