Kira Balinger, LA Santos nagsalita na rin sa isyu ng sexual harassment

Kira Balinger, LA Santos nagsalita na rin sa isyu ng sexual harassment

Kira Balinger at LA Santos

IPINAGPAPASALAMAT nina LA Santos at Kira Balinger na hindi sila nakaranas ng sexual harassment noong nagsisimula pa lang sila sa kanilang showbiz career.

Ito kasi ang mainit na topic ngayon sa apat na sulok ng showbiz simula nang lumantad ang anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach na nakaranas ng ganitong pangyayari sa isang hotel room pagkatapos ng GMA Gala noong Hulyo 20, 2024.

Nagsalita na rin ang mang-aawit na si Gerald Santos na siya’y nakaranas din ng panghahalay noong 15-anyos pa lamang siya mula sa kilalang musical director ng Kapuso Network.

Baka Bet Mo: Kelvin inamin ang tunay na feelings kay Kira: Totoo po ang naramdaman ko

At dumagdag din ang aktor na si Ahron Villena na pasimple rin daw siyang nahipuan ng kilalang direktor na naglagay ng plaster sa kanyang private part.


Kaya pagkatapos ng mediacon ng pelikulang “Maple Leaf Dreams” ay tinanong sina Kira at LA tungkol sa isyu ng talamak na sexual harassment sa showbiz.

“Awa ng Diyos po I’ve never had that experience and I don’t think LA (sabay tingin sa binata) also had that and it has to stop!

“Marami po akong naririnig you know (that) it’s an industry secret that only industry people knows mostly and it has to stop.

Baka Bet Mo: LA Santos hindi susukuan ang pangarap na ‘big break’ sa pag-aartista, unang sahod sa Star Music idinonate sa foundation

“If you have a dream (sumikat) stop trying you know to take the short cut, you know what I mean. If you have a dream, you work hard, you have to work hard not to take short cut just to get you up there. And I think people who had experience this come forward,” paulit-ulit na sabi ni Kira.

Nu’ng baguhan daw siya ay wala namang nag-offer at kung may mag-offer para mapadali ang pag-akyat ng karera niya ay, “I cannot, I will not (accept). I love my craft. I will not sacrifice by dignity just fot this.”

Umamin namang may mga nalaman si Kira na dumaan sa ganitong proseso pero pawang hindi naman niya close ang mga ito.


“Wala naman po akong kaibigan na nakaranas ng ganu’n pero I’ve heard for few others but I cannot say (their names) of course, it’s not my story to tell,” saad ng dalaga.

Nang marinig niya ang mga ganitong sikretong kalakaran ay nadismaya siya pero hindi naman naging dahilan para hindi siya magpatuloy sa kanyang pangarap na maging artista.

“Hindi na lang sana pinag-uusapan, pero wala, e, there’s two sides of the story, the good and the bad, nasa sa ’yo na kung paano how you stay away from it,” sabi pa ni Kira.

Tinanong namin kung sa co-actors niya ay baka may mga nagparamdam din. “Wala po at kung merong mag-attempt, malaki po ang panga ko and I’m going to come forward, I’m sorry, I cannot stay quiet about this and bahala na basta I cannot stay quiet about it,” paniniguro ni Kira.

Si LA may ganito na rin bang experience, “Well ‘yung mga ganu’ng salbaheng tao kilala n’yo naman kung sino kayo at ‘wag na kayong magpakita sa mundong ito at sana bumalik sa inyo kung anuman ang ginawa n’yo.”

In case raw na may makita si LA na gumagawa ng ganu’n ay poprotektahan niya ang mga taong nakaranas at nagpapasalamat naman siya dahil wala naman siyang na-encounter na ganu’n klaseng tao.

Samantala, follow-up ito sa pambubuking nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs kina Kira at LA na may relasyon sila na kahit na anong tanggi ng dalawa ay hindi naman ito maitatago ng kanilang mga kilos.

Nang mag-shoot ng pelikulang “Maple Leaf Dreams” ang dalawang bida sa Toronto, Canada ay super close na sila o masasabing inspirasyon nila ang isa’t isa kaya naging madali para sa kanila ang gampanan ang karakter na magdyowa sila lalo’t nagsama sila sa iisang kuwarto bilang sina Molly at Macky.

Bago ipalabas ang pelikulang “Maple Leaf Dreams” sa mga sinehan sa Setyembre 25 ay mapapanood muna ito sa piling sinehan sa Manila simula Setyembre 4 hanggang 8 bilang entry ng 7K Entertainment, Star Magic at Lonewolf Films sa Sinag ng Maynila Film Festival.

Inamin ni Kira na hindi naging madali ang karakter bilang OFW dahil lahat ng hirap ay dadanan kapag nagsisimula palang ng buhay sa ibang bansa particular sa Canada kaya dapat mahaba ang pasensya at kailangan ng tiyaga.

“When you say OFW, you immediately think of the successful family member who is in another country. What we will be showing is how they got to be successful, all of their struggles to make their dreams come true,” sambit ni Kira.

Pananaw naman ni LA, “Natutunan ko sa character ko na hindi madali ang buhay pero ang mga taong makakasama natin at ang mga taong mamahalin natin, sila rin ang hahatak sa atin paitaas.”

Makakasama rin sa pelikula sina Joey Marquez at Snooky Serna bilang magulang ni Molly at si Ricky Davao bilang ama ni Macky.

Nasa pelikula rin sina Malou Crisologo, Jong Cuenco, Jeff Gaitan, Hannah Thalia Vito, Luke Alford, Kanishia Santos, Benito Mique, Wilson Martinito at ang Canada-based beauty queen na si Bea Rose Santiago.

Read more...