Pia, Jeremy planong magpakasal uli sa isang castle sa Scotland

Pia, Jeremy planong magpakasal uli sa isang castle sa Scotland

Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey

NAG-EXPLAIN si 2015 Miss Universe  Pia Wurtzbach kung bakit nagpakasal sila ni Jeremy Jauncey last year kahit wala ang kanilang respective families.

Inamin ng TV host-actress at beauty queen na talagang desisyon nila ng kanyang husband na magpakasal nang silang dalawa lang noong March, 2023.

Sa pakikipagchikahan ni Pia sa celebrity cosmetic surgeon na si Vicki Belo, may plano naman daw sila ni Jeremy na magkaroon ng second wedding kasama ang kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Baka Bet Mo: Payo ni Pia Wurtzbach sa mga mag-asawa, maging transparent sa isa’t isa: ‘No sugarcoating…talk about everything’

Ito’y matapos nga ang nangyaring super private ceremony na ginanap sa isang exclusive island sa Seychelles makalipas ang tatlong taong pagde-date.

“We did it na kaming dalawa lang, which was a little non-traditional,” ang chika ni Pia sa vlog ni Vicki Belo.

Dagdag ng host-model at influencer, “We decided to have a private wedding where we didn’t even have our families, and our witnesses were people from the island.”


Isa raw sa mga dahilan kung bakit mas ginusto ng mag-asawa na magkaroon ng private wedding ay para makaiwas sa matinding stress ng paghahanda sa kasalan.

“My worst nightmare is to walk down the aisle with cameras and phones on me, and I don’t see any faces, only the back of people’s phones,” pag-amin ni Pia sa naturang panayam.

Baka Bet Mo: Jeremy Jauncey ‘super thankful’ sa kanyang birthday, binigyang-pugay ang mga mahal sa buhay

“I just wanted to keep it private, to enjoy it, and say my vows without having to worry about everybody hearing it and be honest about it,” dagdag pa niya.

At rebelasyon nga ni Pia, “We actually plan to do a second one, and we want to do it in Scotland, in a castle.”

Sa unang wedding nina Pia at Jeremy sa island ng Seychelles, nagsuot ang beauty queen ng strapless figure-hugging gown na gawa sa godets, panels, and appliqués. Si Jeremy naman ay nakasuot ng traditional Scottish kilt.

Read more...