SB19 proud sa tagumpay ng BINI; may gusto pang patunayan sa mundo

SB19 proud sa tagumpay ng BINI; may gusto pang patunayan sa mundo

BINI at SB19

SUPER happy ang SB19 sa tinatamasang kasikatan ngayon ng Nation’s Girl Group na BINI na itinuturing na rin ngayong haligi sa mundo ng P-Pop.

Napakalaki raw ng nagagawa at naiaambag ng naturang girl group sa patuloy na pag-angat ng Philippine entertainment industry.

Isa sa mga pangarap ng mga miyembro ng SB19 na sina Pablo, Stell, Justin, Ken at Josh na makilala pa nang bonggang-bongga ang Pinoy Pop culture sa iba’t ibang panig ng mundo.

Baka Bet Mo: Jolina kay Mark: Habangbuhay kaming magpapasalamat kay Papa Jesus at ikaw ang haligi ng ating tahanan

“Alam n’yo po kasi ever since we had this goal and ako personally, may idea ako na I wanted to make a change. Not just for us but for the entire industry,” ang pahayag ni Josh sa interview ng “Fast Talk with Boy Abunda” sa kanilang grupo.


“Kaya nga po meron kaming studio, meron kaming mga tao kasi meron kaming pinangangalagaan na future goal po talaga. And ‘yun po talaga ‘yung for us, end game, na hindi lang siya matatapos dahil sa grupo lang namin.

“In the future, mas gumanda pa po ‘yung industry ng entertainment dito sa Pilipinas,” dugtong pa ni Josh.

May bonggang vision din si SB19 Pablo para sa kanilang grupo at sa OPM, “Kapag pumunta ka sa iba’t ibang lugar, sasabihin nila, ‘Sobrang talentado ng mga Pilipino.’

Baka Bet Mo: Karen Davila sa BINI: ‘OMG ang babait! Tama lang na iniidolo niyo sila!’

“Pero feeling ko hindi pa natin nakukuha ‘yung recognition na dapat para sa atin. Siguro ‘yun po ‘yung future,” aniya pa.

Dito na nga nabanggit ni Pablo ang pagsikat ng iba pang P-pop group tulad ng BINI, “Ang dami na pong groups na nag-uusbungan po ngayon, nakikilala katulad ng BINI, other groups, talagang nakikilala na rin all over the world.”


“‘Yung future po na gusto namin is mailagay talaga ‘yung OPM, na kilala sa buong bansa, magkaroon ng term na tinatawag na P-pop na talagang dadayuhin na ‘yung mga foreigner na ‘yung pupunta dito para panoorin ‘yung concerts natin.

“Maraming posible na mangyari once na mabuksan ‘yung doors, and hindi tayo malayo du’n, nakabukas na siya eh, kailangan na ang siya itulak,” ani Pablo.

Ang BINI ay binubuo naman nina Jhoanna, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, at Sheena.

Nag-perform ang SB19 at BINI sa Seoul, South Korea nitong nagdaang Martes para sa Billboard K Power 100 event, presented by Billboard Korea na ginanap sa Yeong Bin Gwan Hall ng The Shilla Seoul.

Read more...