LA Santos, Kira Balinger buking ang feelings, totohanan na!?

LA Santos, Kira Balinger buking ang feelings, relasyon totohanan na!?

Reggee Bonoan - August 27, 2024 - 05:27 PM

LA Santos, Kira Balinger buking ang feelings, relasyon totohanan na!?

Kira Balinger, LA Santos at Benedict Mique

DAPAT talaga handa ka kapag nag-guest sa “Showbiz Update” online show nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs dahil hindi sila titigil hangga’t walang nahuhuli o napapaamin.

Ganito ang nangyari sa guesting nina LA Santos at Kira Balinger para sa promo ng pelikula nilang “Maple Leaf Dreams” na pawang tawa na lang ang reaksyon ng makorner sila ni Ogie na may relasyon na sila.

Tigas din sa pagtanggi sina LA at Kira nang makaharap nila ang entertainment press at vloggers sa mediacon ng “MLD” na ginanap sa Mesa Restaurant kahapon, Lunes.

Baka Bet Mo: Kelvin inamin ang tunay na feelings kay Kira: Totoo po ang naramdaman ko

Pero nang matapos ang mediacon at habang nag-aabang kami ng aming editor dito sa BANDERA na si Ervin Santiago at isa pang showbiz editor na si Maricris Valdez nang masasakyan ay palabas naman sina LA at Kira.

Bumeso pa sila sa amin at sabay tanong namin kung bakit pa nila itinatanggi ang kanilang relasyon gayung marami nang nakakaalam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kira Balinger (@kira_balinger)


Natawa ang dalawa at parang may binanggit si LA na hindi pa puwede. Naisip naman ni Ervin na bawal siguro kasi nga para ma-partner pa rin sa ibang aktor si Kira.

Pero pagdating sa “Showbiz Update” ay wala nang lusot ang dalawa kay Ogie.

Nagbigay muna ng back story ang dalawang bida tungkol sa kuwento ng kanilang pelikula na kaya sila nag-OFW sa Canada ay para matupad ang pangarap nila para sa pamilya at para sa kanilang dalawa bilang partners at hindi na nagliligawan.

“Maraming makaka-relate nga lalo na kung aamining sila na,” unang  hirit ni Ogie.

Sobrang natawa sina Kira at LA sabay sabing, “Sa movie po, sa movie.”

“Ah, sa movie, so sa real life ano?” tanong ni Ogie.

“Siguro magaling lang kaming dalawang magpakilig (sabay siko ni Kira kay LA),” sambit ng dalaga.

Baka Bet Mo: LA Santos hindi susukuan ang pangarap na ‘big break’ sa pag-aartista, unang sahod sa Star Music idinonate sa foundation

“Oo magaling nga, magaling lang, passionate actors,” say naman ni LA.

Hirit naman ni Nama Loi, “Hindi ba true to life ang sweetness doon sa movie?”

Sagot ni LA, “Yung mapapanood po ng mga tao doon n’yo po makikita kung gaano ka-sweet.”

Balik-tanong ni Ogie, “So, puwede ka pang maligawan ng iba, Kira?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kira Balinger (@kira_balinger)


Hindi agad nakasagot si Kira, halatang nagulat sa tanong at napangiwi na lang habang tawang-tawa naman si LA na napatingin sa lady love.

“Well, depende kung mayroong may gusto,” natawang sabi ni Kira sabay tingin kay LA at yumakap.

Nagulat naman sina Mama Loi at Ogie sa reaksyon ng aktres.

“Ay oh, sabi ko na, eh,” tumatawang sabi ni Mama Loi.

“Sinasabi ko na eh,” sabi rin ni Ogie.

“Kung may ibang manliligaw sa kanya, manliligaw din ako,” sabi ng aktor.

“Ay, sabi na, eh,” sambit ni Mama Loi.

Idinaan ni LA sa biro na sina Ogie, Mama Loi at Tita Jegs na lang ang sasamahan niya.

Hindi namin namalayan na nakangiti na kami habang pinapanood namin sina LA at Kira sa mga biglaang tanong sa kanila.

Anyway, kuwentong OFW ang “Maple Leaf Dreams” kung saan ipapakita ang struggles nina LA at Kira sa pelikula lalo na ang huli na pinagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho na naging dahilan kaya lagi siyang pagod at nagkaroon ng conflict sa pagsasama nilang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Maple Leaf Dreams” ay handog ng 7K Entertainment at Lonewolf Films na idi-distribute ng Quantum Films at mapapanood na sa mga sinehan simula sa Setyembre 25. Ito’y mula sa direksyon ni Benedict Mique.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending