Trigger Warning: Mention of depression, sexual harassment
MATINDI rin pala ang pinagdaanan ng content creator at aktres na si Bea Borres, sa kanyang personal life lalo na noong kanyang kabataan.
Rebelasyon ni Bea, bukod sa mapait na karanasang sinapit mula sa kanyang mga magulang ay naka-experience rin siya ng sexual harassment mula mismo sa kapatid na lalaki.
Kuwento ng vlogger sa panayam ng “Toni Talks”, feeling niya noon ay nagkulang siya sa pagmamahal at atensiyon ng pamilya, partikular na ng kanyang mga magulang.
Madalas daw kasing mag-away ang kanyang nanay at tatay at may pagkakataon na siya ang napagbubuntunan ng galit ng ina kaya nagkakasugat at puropasa ang kanyang katawan.
Baka Bet Mo: Bea Borres dismayado, hiningian ng panggawa ng bahay
Ngunit ayon kay Bea, sa kabila nito, never siyang nagalit sa mga magulang lalo na nang ma-diagnose ang ina ng bipolar disorder.
Kasunod nito, mas nawasak pa ang puso ni Bea nang magkasunod na pumanaw ang kanyang parents taong 2022 dahil sa magkaibang karamdaman.
Dahil dito, ang nakatatandang kapatid niyang lalaki na ang nag-alaga sa kanya, “Growing up, kulang talaga kami sa guidance, and actually, ngayon, talaga sobrang love ko si Kuya.
“Sobrang proud ako sa mga small achievements niya. Pero growing up, hindi naging okay yung relationship namin,” aniya.
Nang balikan ang hindi kagandahang ginawa sa kanya ng kapatid ay tuluyan nang bumigay si Bea at nagsimula nang maiyak. Inamin niya na nakaranas siya ng sexual harassment mula sa kanyang kuya.
Aniya, kinunan daw siya nito ng video habang naliligo nang hubo’t hubad, “So, binidyuhan niya ako while taking a bath, na naked. I think I was 13, 14.
“Hindi ko po alam (na bini-video siya). And then he took a video of me, and then he sent it to his friends for, I don’t know, for money, for… hindi ko alam, e.
“Nakita ko na habang kinakalikot ko yung phone niya. Sabi ko, ‘Kuya, borrow phone,’ kasi may mga games siya.
“Then, nag-open ako ng messenger ta’s nakita ko, ayaw ko pa po maniwala, pero ‘CR namin ‘to ah.’
“Tapos nakita ko, ‘My God, katawan ko!’ Sabi ko, ‘Kuya, what’s this?’ Tapos hindi siya makasalita. Sabi niya, ‘I’m sorry. I’m sorry, Bea,’” paglalahad ng vlogger.
Lakas-loob daw siyang nagsumbong sa kanilang mga kapamilya, “Nagwawala na ako, pati yung tito ko, nagwawala na rin.
“Sabi niya (sa kuya), ‘Bakit mo ginaganyan yung kapatid mo? Bakit, anong ginawa sa yo?’ Tapos si Kuya hindi na po siya makaimik kasi parang siguro na-realize niya na mali din ginawa niya.
“Then, umalis siya to the point na nag-worry lahat kasi baka kung anong gawin niya. Kasi si Kuya din po, bipolar din siya. Ang hirap kasi yung kuya ko bipolar and mommy ko rin bipolar. Ang hirap talaga growing up.
“Ayun nga, the next day, parang bumalik siya. Ako naman, iniyak ko na lang lahat. Pero yun nga, the next day, bumalik si Kuya.
“Tapos tinatanong na nila, sabi ng family ko, sabi ng mom and dad ko, ‘Bea, ano, gusto mo bang ipakulong si Kuya mo? Tara na, ipa-blotter na natin.’
Baka Bet Mo: Andrew E. never nakaranas ng sexual harassment: Hindi naman kasi ako katuksu-tukso
“Sabi ko, ‘Hindi po, huwag na, ipa-check niyo na lang po si Kuya.’ Kasi feeling ko, if normal naman siya or hindi kami ganun lumaki na kulang kami sa love, feeling ko, hindi niya naman gagawin yon,” paglalahad ng aktres.
Bukod dito, ni-reveal din ng dalaga na bukod sa pagbi-video habang naliligo siya ay ilang beses din umano siyang hinipuan ng kapatid habang natutulog.
“Actually, parang ayun na yung last. Pero before that, I saw the signs na dine-deny ko lang and my mom knew it.
“She didn’t tolerate it kasi pinapalayo na niya ako kay Kuya. Parang sinasabi (ng mommy ko) na, ‘Huwag kang mag-shorts, huwag kang mag-skirt.’
“Kasi, every time na nagsusuot ako ng maikli, pinipiktyuran ni Kuya pakunwari. Tapos kapag tulog ako, hinahawakan niya ako. Nagigising na lang ako na, ‘Oh my God!’ Nagagalit ako at sinasabi ko sa kanya na, ‘Don’t do that.’
“Palaban din po kasi ako, sumisigaw talaga ako to the point na parang may mga makakarinig sa amin,” pag-amin pa niya.
Hindi na raw nila kinasuhan at ipinakulong ang kapatid at mas piniling magpatawad, “Actually ngayon, okay na ako. Kasi sobrang nangingibabaw yung love and forgiveness ko.
“Si Kuya kasi, growing up, he was lonely din. He was depressed. Parang lalaki, e, parang nagke-crave din siya ng female validation siguro. So, parang feeling ko, nilalabas niya sa akin yon.
“Nag-usap na kami, and I feel like, kasi I’ve been holding it, so parang gusto ko nang i-set free. Yun, kasi love na love ko pa rin yung kuya ko.
“And after that incident, wala na pong nangyari. Sobrang bumawi po siya sa akin, like, in ways that he could.
“I think, nag-heal na talaga ako from that. Pero siguro, meron pa rin akong pagtampo sa kanya kasi hindi ko talaga alam anong ginawa ko para gawin sa akin yon.
“But looking back, hindi na sumisikip yung dibdib ko. Kasi before talaga, noong hindi pa ako okay, every time I think about it, as in sumisikip talaga yung dibdib ko, nanginginig ako. Na-trauma po talaga ako,” ang pagbabahagi pa ni Bea.
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng mga taong involved sa mga naging rebelasyon ni Bea Borres.