Yukii nag-babu na sa ‘Batang Quiapo’: Camille Castillo is signing off!

Yukii nag-babu na sa ‘Batang Quiapo’: Camille Castillo is signing off!

PHOTO: Instagram/@yukiitakahashi

TULUYAN nang namaalam ang aktres na si Yukii Takahashi sa kanyang character role sa teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Aware naman ang marami na ang ginampanan ni Yukii ay bilang si “Camille Castillo,” ang buntis na live-in partner ni “David Gimaguiba” na pinagbibidahan ng aktor na si McCoy De Leon.

Mapapnood sa huling episode ni Camille na nasaksihan niyang nagpakasal sa ibang babae ang kanyang partner, hanggang sa ma-ospital siya at mapunta sa Intensive Care Unit (ICU).

Habang wala siyang malay, pinatay siya ni David pati na rin ang batang nasa sinapupunan niya.

Sa Instagram, masayang ibinandera ni Yukii ang ilang behind-the-scenes pictures ng kanyang last episode sa nasabing primetime series.

Baka Bet Mo: TikTok star Yukki Takahashi 3 beses nang nabigo sa pag-ibig, na-trauma na nga ba sa mga lalaki?

“Camille Castillo is signing off!” bungad niya sa kanyang caption.

Wika pa niya, “Hindi ako makapaniwalang ganito ang magiging takbo ng storya natin. Sabi mo ako lang.. sabi mo mahal mo ko… ano bang ginawa ko para saktan mo ko ng ganito.”

Thankful din siya kay McCoy, “Our Last fight. Grateful to have worked with a co-actor as talented as you.”

Napa-react ang aktor sa post ni Yukii at sinabing: “Ikaw yan pinaghirapan mo yan [happy face emoji]. Congrats! Galing mo [happy face emoji].”

Sa comment section, maraming fans ang tila nabitin sa role ng aktres at abangers na sa next projects niya.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Camileeee mamimiss kita sa batang quiapooo [sad face emoji].“

“Be bakit naman namatay [sad face, laughing emojis] you did great Yukii!”

“Hahaha wala na tuloy aabangan kailan manganganak si Camille [laughing emojis].”

“You will be missed Camille! You did great and hoping to see your more projects! [clapping hands, red heart emojis].”

Read more...