Vlogger pinagkakalat na nagtaksil si Ogie kay Regine: I-report natin ‘to!

Vlogger pinagkakalat na nagtaksil si Ogie kay Regine: I-report natin 'to!

Ogie Alcasid at Regine Velasquez

DISMAYADO ang Ultimate Singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa mga content creator na patuloy na nagpapakalat ng malisyosong tsismis tungkol sa kanila ni Regine Velasquez.

Nakarating sa kaalaman ni Ogie na ilang vloggers ang gumagawa ng mga pekeng balita na nagsasabing naghiwalay na sila ng Asia’s Songbird at magpa-file na raw si Regine ng divorce.

Ni-repost ng Kapamilya TV host-singer ang isang Facebook account kung saan mapapanood ang ang isang video na ibinabalitang nagkaroon sila ng matinding away ni Regine.

Baka Bet Mo: Kim Molina rumesbak sa epal na basher na nag-post ng ‘doggy’ comment sa litrato nila ni Jerald Napoles: ‘Pakabastos mo!’

Pinalalabas sa naturang FB post na may kabit si Ogie at ito nga raw ang dahilan kung bakit nawasak ang marriage nila ni Regine. Nagtaksil daw ang OPM icon sa kanyang wifey kaya magpa-file na ito ng divorce.


Sa kanyang official account sa social media platform na Threads, ni-repost ni Ogie ang naturang FB page kasabay ng babala sa madlang pipol na huwag maniniwala agad sa mga nababasa at napapanood nila sa socmed.

“This post was sent to me. It is so sad that the owner would spread rumors about our marriage that is so sacred to both me and my wife and fabricate stories about our supposed separation. I-report po natin ito,” ang nakalagay sa caption ng Kapamilya star sa kanyang Threads.

Baka Bet Mo: Resbak ni Angel sa malisyosong basher: Hindi ko ikamamatay yang chismis mo…magdasal ka

Kasunod nito, pinayuhan ng mga netizens si Ogie na idemanda na ang mga vlogger na nagpapakalat ng fake news para masampolan at para hindi na makapambiktima pa.


Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na nabiktima si Ogie ng fake news sa socmed.

Noong March, 2024, binalaan ng “It’s Showtime” host ang publiko sa mga kumakalat na pekeng announcement na magkakaroon sila ni Regine ng concert sa Dubai.

“Guys this is fake news!! This was an actual 2014 concert but someone reposted it. We are not having a concert in Dubai. Pls po wag kayo magpaloko. God bless everyone!” ang warning ni Ogie sa madlang pipol sa pamamagitan ng Instagram.

Read more...