Angelu de Leon binarag ang nang-okray sa ipinamigay na gulay

Angelu binarag nang-okray sa ipinamigay na gulay: Nahiya naman ako!

Ervin Santiago - August 22, 2024 - 01:00 AM

Angelu binarag nang-okray sa ipinamigay na gulay: Nahiya naman ako!

SINUPALPAL ng Kapuso actress na si Angelu de Leon ang mga bashers na nangnenega sa pamimigay niya ng gulay sa kanyang constituents.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang 44th birthday ngayong araw, August 22, nagtayo ng community pantry sa isang lugar sa Pasig City kung saan siya nagsisilbi bilang konsehal.

Sey ng aktres, naisipan niyang mamigay ng pagkain sa kanyang mga kapwa Pasigueño dahil napakamahal na raw ng presyo ng mga itinitindang gulay ngayon sa palengke.

Ngunit sa kabila nga ng kanyang pagtulong ay inokray pa siya ng ilang netizens sa pamamagitan ng social media platform na X (daring Twitter).

Baka Bet Mo: Claudine gigil kay Angelu, bakit ayaw makasama sa pelikula?

Mapapanood sa isang video ang pamimigay ni Angelu ng sitaw sa mga nakapilang residente ng Pasig kasabay ng pagpo-promote sa teleserye niya sa GMA 7 na  “Pulang Araw”.

Hirit ng isang basher, “Kakapiranggot lang na gulay tapos gusto mo manood ng Pulang Bangaw? Grabe na ang pagka-desperada mo gurl.”

Ni-repost din ito ng isa pang X user na may nakasulat na, “JUST INday Badiday: Pulang Araw, namigay ng limang pirasong sitaw mapanood lang. Yes po, lima po, nabilang ng SVG at Nielsen…CHARitable!”

Baka Bet Mo: Kris Aquino hiwalay na agad kay Mark Leviste: ‘He wasn’t only my boyfriend, he became my best friend at talagang maaasahan’

Nang mabasa ito ni Angelu ay agad siyang sumagot at nagpaliwanag, “Hi, I do my yearly birthday community pantry as a way of giving back and being grateful to my constituents. Personal ko po ito.”

Resbak pa ni Angelu, “Nahiya naman ako na hindi ito sapat para sa ‘yo. Pero I guess hindi ka naman taga-Pasig. I will promote Pulang Araw because I am proud of our show.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelu De Leon Rivera (@angeludeleonrivera)

Bukod dito, nagpaliwanag din ang aktres sa pamamagitan ng Facebook, at  nilinaw niyang hindi lang naman sitaw ang ipinamigay nila sa mga residente.

“Meron pa hong putol na upo kasi hindi ko kaya mag bigay ng buo. Pinuputol namin para meron ang lahat. May talong, ampalaya at okra din.

“Ang mahal na pala talaga ng gulay ngayon. Hindi talaga aabot ang 64 pesos sa isang masustansyang meal per day,” pahayag pa ni Angelu.

Marami naman ang nagtanggol kay Angelu laban sa mga bashers. Narito ang ilan sa mga reaksyon nila.

“Happy Birthday! kahit kapiranggot lang na sinasabi ng iba atleast galing sa malinis na paraan di katulad ng iba magarbo ang bigay pero mas magarbo ang naibubulsa ng mga epalitiko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We stand with you Ms Anj alam namin ang buti ng loob at puso mo. We love you and we believe in you! Hayaan mo na mga ganyan. Mahalaga mas madami nagmamahal at naniniwala sa kakayahan mong mag lingkod!”

“Kmi nga po taga pasig pero ndi nakatanggap ng ganyan pero ok lng tsaka lagi kmi nanonood ng Pulang araw maganda ksi, hirap ksi sa iba makareklamo wagas akala mo nman taga Pasig.”

“Kung minsan yung mga walang naitutulong sila pa yung malalakas magsabi ng di maganda sa kapwa.Sana nakakatulog at payapa ang buhay nila habang gumagawa sila ng kabalbalan. Ipagpatuloy mo lang ang kabutihan sa kapwa Angelu De Leon mas marami ang may malawak na pang unawa kesa sa mga taong walang alam kundi humanap ng ikakasira ng kapwa.God bless and Happy Birthday!”

“Grabe Naman mga tao na to nakatanggap na nga lahat lahat nakuha pang magreklamo Sana po Hindi nlng kayo pumila sa mahal NG mga gulay ngaun wla kaung mapupulot sa kalsada NG mga gulay na ganyan  ok na din Yan panlaman tiyan sahugan lng NG sardinas nairaos na Ang Isang meal hirap sa mga tao meron at wla NAGREREKLAMO pa din hhhaaayyysss. BE THANKFUL NLNG PO SANA.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending