Gerald Santos rumesbak: Hindi po GMA Network ang kalaban ko!
PALABAN ang singer-actor na si Gerald Santos at mukhang desidido na siyang panagutin ang musical director na umano’y nang-rape sa kanya noong 15 anyos pa lamang siya.
Trending ang pangalan ni Gerald kahapon hanggang ngayong araw matapos niyang aminin sa pagdinig ng Senate committee on public information and mass media, na biktima rin siya ng rape.
“Ako po ay hindi po na-harass, hindi po na-abuse. Ako ay na-rape po. Na-rape po ako, your honor.
“Handa po akong ikwento dito ang nangyari, pero ako po ay natatakot na baka po ako ay balikan ng mga taong ito,” aniya.
Baka Bet Mo: Gerald sigurado nang si Julia ang pakakasalan, pero dinenay ang tsismis na marriage proposal
“For 19 years kinip ko lamang ito dahil sa takot ko nga po, sa kahihiyan. Hiyang-hiya po talaga ako lalo na noon dahil ‘yung grupo na nasa loob ay parang dini-dismiss lang nila ‘yung sinabi ko, na parang mag-move on ka na lang kasi kalakaran ‘yan dito,” sabi ng binata.
Ang mas masakit pa raw ay ang sinabi sa kanya ng ilang “powerful individuals” ay mag-move on na lang at inakusahan pa siya ng pagiging homophobic.
“I was only 15 years old at that time your honors kaya wala pa po akong lakas ng loob noon. Contestant pa lang po ako noon.
“Kaya di ko nasabi agad…sa parents ko na iyak na lang nang iyak. Kinamatayan na ng lolo ko sa sama ng loob niya kasi di po ako nabigyan ng katarungan po,” pagbabahagi pa ni Gerald.
Kasunod nito, naglabas ng official statement ang GMA hinggil sa rebelasyon ni Gerald.
“Naninindigan ang GMA Network laban sa lahat ng uri ng pang-aabuso. Hindi kinukunsinti ng GMA ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga artista, personalidad, empleyado, independent contractors, at iba pang stakeholders nito.
“Agad nagsagawa ng imbestigasyon at matapos nito ay agaran ding ipinatupad ng Network ang nararapat na parusa sa inakusahan.
Baka Bet Mo: Ilang netizens kumampi kay Gerald, Bea sinabihan ng, ‘Shut up na lang!’
“Ngunit ang nilalaman ng formal complaint na inihain ni Gerald noong 2010 ay naiiba sa akusasyon niya ng rape na binanggit niya sa Senado. Ngayon lang din nakarating sa kaalaman ng pamunuan ng GMA ang bagay na ito.
“Nais ding linawin ng GMA ang naging pahayag ni Gerald na natanggal siya sa Network. Siya mismo ang humiling ng early release mula sa kanyang management contract noong 2010, na pinagbigyan ng GMA.
“Sa parehong taon ay agad din siyang lumabas sa ibang TV network. Dagdag pa rito, sumubok ding bumalik si Gerald sa GMA matapos ang kanyang kontrata sa TV5 noong 2013,” ang pahayag ng network.
Sinagot naman ni Gerald ang pahayag ng Kapuso station sa pamamagitan ng kanyang Facebook page.
“Para lang sa kalinawan matapos ang official statement ng GMA…Uulitin ko po na nagpapa release ako sa GMA Artist Center.
“Bilang manager ko po that time ay tila wala na silang plano sa akin at walang mga projects na naka-line up para sa akin.
“ETO PO ANG BAHAGI NG ORIHINAL NA SULAT KO SA CEO NG GMA THAT TIME (letter na kalakip ng kanyang FB post).
“HINDI PO GMA NETWORK ANG KALABAN KO KUNDI YUNG MGA TAO NA GALIT SA AKIN SA LOOB NG GMA DAHIL SA PAGSUSUMBONG KO AT AYAW AKONG BIGYAN NG TRABAHO NUNG MGA PANAHONG YUN.
“LUMIPAT PO AKO SA TV5 DAHIL MAY TRABAHONG NAGHIHINTAY SAKIN DUN AT TATANGGAPIN LAMANG NILA AKO KUNG MAY RELEASE PAPERS.
“PERO KUNG SINAGOT PO NILA ANG AKING KAHILINGAN NA MABIGYAN NG TRABAHO AY HINDI PO AKO AALIS DAHIL SA SIMULA AT SIMULA AY ISA AKONG KAPUSO.
“THE FACT NA TINANGGAL NILA ANG AKING INAKUSAHAN AY NANGANGAHULUGANG MAY PROBABLE CAUSE.
“PERO WALA KMI NATANGGAP NA OFFICIAL REPLY MULA SA KANILA KAYA AFTER ONE YEAR AY SUMULAT ANG MANAGER KO SA KANILA,” buong pahayag ni Gerald gamit ang hashtag na #resibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.