Marc Cubales, Joyce Penas hinahabol P25-M utang ng produ

Marc Cubales, Joyce Penas hinahabol P25-M utang ng kapwa produ

Ervin Santiago - August 20, 2024 - 09:27 AM

Marc Cubales, Joyce Penas hinahabol P25-M utang sa kapwa produ

Marc Cubales at Joyce Penas Pilarski

MAPAPATAWAD ng mag-asawang Joyce Penas Pilarski at Marc Cubales ang kapwa nila independent producer na kinasuhan nila ng estafa.

Ang involved na halaga sa nasabing kaso ay P25 million, hindi pa kasali rito ang mga inutang sa kanila na undocumented o yung mga transaction na walang resibo o kasulatan.

“We’re very sorry, kasi siyempre may pangalan din naman ‘yung tao kahit paano,” ang sabi ng producer-model na si Marc Cubales matapos malamang nai-serve na ang warrant of arrest laban sa producer na si Baby Go.

Dugtong ni Marc, “We’re public figures, hindi ba dapat hindi gumagawa ng ganoon? Ingatan mo rin dapat ang pangalan mo. Hindi ka gagawa ng anumang ikasisira mo  kasi everything will reflect on you.”

Baka Bet Mo: Dream house nina Juancho at Joyce itatayo na: God always knows what we need

Ayon sa abogado ng mag-asawa na si Atty. Rani Supnet ng Supnet Apoderada Law, umusad na ang P25-million estafa case na isinampa nila sa korte.

Inamin ni Joyce na malaki ang naging epekto sa kanya ng nangyari, “Nandiyan ‘yung inaway na ako ng family ko, friends ko, pati kami ni Mark minsan kasi nga nagtataka sila bakit ganoon.

“Bakit sobrang bait ko na anytime na nagsasabi, humihiram sa akin ng pera bigay naman ako,” ani Joyce na matagal ding naging kaibigan ang naturang producer.

Ani Joyce palagay na ang loob niya kay Go kaya sa bawat paghiram nito ng pera kahit walang kasulatan ay pinagbibigyan niya.

Dagdag pa niya, ilang beses din nila itong pinadalhan ng demand letter at palagi lamang nangangako na magbabayad.

“Pero hindi niya ginawa. Ipinakilala pa ako sa ibang tao na eventually nangutang din sa akin at sa dulo nawala rin,” kuwento ni Joyce.

“Ang dami din niyang ibinebenta sa akin tulad ng lupa sa Palawan na nabayaran ko na pero hanggang ngayon di ko nakikita o nahahawakan ang titulo. Mayroon ding mga alahas at gold pero in the end fake pala lahat,” aniya pa.

Natanong din siya kung ano ang natutunan niya sa mga pangyayari, “Na-realize ko na sometimes dapat maging istrikto. Masyado kasi akong maluwag na kapag may nangutang sa akin sige lang. Kasi ‘yung mga nangungutang halos nagmamakaawa, lumuluhod, tapos in the end sasabihin ‘wala akong utang.’

“Ngayon hindi na ako ganyan, natuto na ako. Marunong na akong sumagot ng hindi o wala and I’ve realized now na dapat kailangan magpapapirma ka, may collateral na.

“I’ve realized na kailangan mo pala ng ganoon kaso I’ve trusted them. Ganoon kasi ako lumaki. ‘Yung tatay ko kapag may humihingi ng tulong nagbibigay ng basta-basta. Hindi ko alam na maraming salbahe. I’m doing it for the love of God. Sobra ka magtiwala tapos lolokohin ka lang pala,” ani Joyce.

“I’m happy now at least nagkaroon ng kahit paano eh magandang pangyayari kasi ang tagal na, eh,” sabi pa ni Joyce, ang kauna-unahang senior citizen na nag-join sa Miss Universe Philippines.

At sa tanong kung posible bang magkapatawaran sila ng dating kaibigan, sagot ni Joyce, “Puwede naman pero kailangan bayaran pa rin niya ang utang niya.”

Baka Bet Mo: Babala ni Joyce noon kay Juancho: Wag mo na akong ligawan kung wala kang balak magpakasal

Sabi naman ni Marc, “God has been very good to us, we have a good son and blessed pa rin kami and maraming taong dumarating na maayos at mabait. Sana lang hindi na ulit maulit sa iba ‘yung nangyari sa asawa ko.”

Samantala, happy naman si Joyce na matutupad na ang pangarap niyang maging career, “Masaya ako lalo na at very supportive ang husband ko. Siya ang nagpakilala sa akin kay Mr. Vehnee Saturno and Jobert Sucaldito na very kind to us.

“Nag-voice lesson ako para mas maganda ang rendition ko ng song. Kaya ako na-inspire na gawin ‘yung song na ‘yun kasi parang imposible na ang isang 69 taong gulang to be an official candidate for Miss Universe Quezon City na first time nila binago age eh, sino ba naman mag-iisip na one day mag-iiba ng rules.

“So kaya sabi ko gusto ko i-inspire ang mga tao na to follow their dreams in any age at ‘wag silang mag-give up,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Update: Nakapagpiyansa na sa halagang P100,000 ang inireklamong independent producer matapos i-serve ang warrant of arrest laban sa kanya. Patuloy din niyang itinatanggi ang mga paratang sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending