Jestoni hiyang-hiya sa paghuhubad; Victor naghahanda na sa bar exam

Jestoni hiyang-hiya sa paghuhubad; Victor naghahanda sa bar exam

Jestoni Alarcon at Victor Neri

NAPA-THROWBACK nang bonggang-bongga ang dalawang action star na sina Jestoni Alarcon at Victor Neri sa naging takbo ng showbiz career nila ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Sa mga hindi pa masyadong aware, halos magkasabay na ni-launch sina Jestoni at Victor bilang mga action star noong dekada 90.

Bumisita ang dalawang aktor sa nakaraang episode ng weekly talks how ng GMA 7 na “Sarap ‘Di Ba?” kung saan tinanong sila ng host na si Carmina Villarroel kung may pinagsisihan ba sila sa nga projects na ginawa nila noon.

Baka Bet Mo: Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years?

Sagot ni Jestoni, “Wala naman. Lahat naman ng project na ibinigay sa akin happy ako. Kasi nag-umpisa ako sa comedy films, drama, horror-drama, action, romance.”


Sey naman ni Victor, wala rin siyang regrets sa mga ginawa niya noon dahil talagang may conscious effort ang kanyang management team na piliin ang mga projects niya noon.

“Ever since I started, pagsimula pa lang namin, piling-pili lahat. Every project na ginagawa ko is a career decision na aabante yung career ko,” sabi ni Victor na nagsimula sa “Ang TV” ng ABS-CBN.

Sumingit naman si Jestoni at inaming may ginawa siyang photoshoot noon kung saan kinailangan niyang magsuot ng trunks para sa promo ng isa niyang movie.

Aniya, feeling awkward daw siya nang gawin ang naturang pictorial dahil hindi talaga siya sanay na magpakita ng hubad niyang katawan sa publiko. Ipagawa na raw sa kanya ang lahat ng mahihirap na stunts sa pelikula huwag lang daw siyang mag-photoshoot ng nakahubad.

Baka Bet Mo: Jestoni istriktong ama, bina-background check ang manliligaw ni Angela

Samantala, ibinahagi naman ni Victor na bukod sa pag-aartista ay meron pa siyang isang mahalagang bagay na pinaghahandaan, “Nagre-review ako ngayon for the bar exam.”

“Goodluck attorney,” ang mensahe sa kanya ni Jestoni.

“Our future lawyer. Lawyer, chef, actor,” sey naman ni Carmina. “Tapos kapag nakapasa na sa bar alam ko namang ipapasa mo, cooking-lawyer,” dugtong pa ni Carmina.

Suggestion naman ni Victor, kapag abogado na siya, babalik siya sa “Sarap Di Ba?”, at pwede raw siyang mag-cook habang nagbibigay ng legal advice.

“I love it!” reaksyon naman ni Carmina.

Read more...