NAPALUHA ang TV host-actress na si Amy Perez nang mapag-usapan sa “It’s Showtime” ang tungkol sa pagle-let go sa anak kapag kailangan na itong mamuhay ng independent.
Relate much kasi si Tyang Amy sa ibinahaging kuwento ng “Expecially For You” searcher na si Rosana sa Friday episode ng “It’s Showtime.”
Pagbabahagi ni Rosana, single mother daw siya at dalawa lamang sila ng kanyang anak na si Ron ang magkasama sa buhay ngayon.
Baka Bet Mo: Amy Perez nasaktan nang magdesisyon ang anak na magsolo na sa buhay: ‘Kasi for the longest time, kami yung magkasama’
Natanong ng isa sa mga host ng programa na si Vice Ganda ang tungkol sa posibleng pagtanda niya nang nag-iisa at malayo sa kanyang mga anak na bumubuo na ng kani-kanilang sariling pamilya.
“Hindi ko naman po naramdaman ‘yung takot kasi binigyan naman po ako ng assurance ng mga anak ko kahit ‘yung eldest ko po na nag-asawa na, na kahit tumira siya sa ibang bahay nandiyan pa rin siya para sa akin,” saad ni Rosana.
Reaksyon ni Vice, “Masakit din ‘yun ano, ‘yung lumulipad ang anak mo na ay ‘yung ibon kong anak lumilipad na, pero pagtingin mo mag-isa ka na lang doon sa pugad.”
Dito na nga nagbahagi si Tyang Amy ng kanyang sariling karanasan nang magdesisyon nang bumukod ang kanyang anak na si Adi.
“Yan ang greatest sacrifice ng mga magulang ang i-let go ang mga anak, hayaan mag-grow, pero kung magkamali man, nandu’n pa rin ‘yung magulang, ‘yung nanay ready to accept and give advice ‘di ba?” sabi pa ng celebrity mom.
Grabe raw ang naramdamang lungkot at takot nang mag-aral na ang anak at manirahan na malapit sa kanyang pinapasukang school.
Baka Bet Mo: Mga anak ni Amy Perez inakalang ‘pinatay’ niya ang unang asawa: Sabi ko, ‘No! How can you say that!?’
“Drum-drum ang iniyak ko doon ‘di ba? Lahat ng puwede or lahat ng tanong niya, lahat pilit mong binibigyan ng sagot.
“Parang ‘di ba anak dito mas okay ka? pero at one point bilang isang nanay, it was the hardest thing to accept na i-let go siya,” ang maluha-luhang sabi pa ni Tyang Amy.
Patuloy pa niya, “And ngayon, ‘pag nakikita ko, I’m very proud na ay ‘yung dati palang binubunganga ko na dapat ganito, dapat ganito ginagawa mo, e maayos siya, okay siya at namumuhay siya ng tama ng hindi siya nakakapag-abala ng ibang tao,” pahayag pa niya.
Feeling naman ni Amy, tama ang desisyon niyang payagan si Adi na maging independent at naniniwala siya na tama ang kanyang pagpapalaki at paggabay sa anak.
“Natutuwa ako na lahat ng itinanim ko kay Adi, nakikita ko na ngayon,” sey pa ng ni Tyang Amy.