Marco Gumabao, Cristine Reyes nag-break nga ba?

Marco Gumabao, Cristine Reyes nag-break nga ba?

MARAMI sa mga netizens ang nagtataka kung ano na nga ba ang nangyayari sa relasyon nina Marco Gumabao at Cristine Reyes.

May mga nag-uusisa kasing netizens at naghihinala kung hiwalay na ang dalawa.

Ang dahilan? Hindi raw nila natagpuan si Cristine sa birthday celebration ni Marco.

Nag-post kasi sa Instagram ang aktor ng larawan para sa kanyang parating na birthday celelebration na magaganap sa August 18.

Baka Bet Mo: Cristine Reyes, Marco Gumabao pinag-uusapan na ang kasal, future together

“Not so Dirty Thirty,” simula ni Marco sa caption.

Pagpapatuloy niya, “Grabe, parang kailan lang 29 palang ako, ngayon 30 yrs old na.

Parte rin ng caption ang mensahe ng pasasalamat ni Marco sa mga natanggap niyang blessings.

“Of course I wanna thank God for all the blessings that he has given me. Also all the trials, hardships and lessons that came in my life because that’s what made me to the man I am today,” sey ng aktor.

Sa comment section ay makikita ang mga tanong ng netizens kay Marco patungkol kay Cristine.

“Bat wala si AA sa celebration!!!!” usisa ng isang netizen.

Comment naman ng isa sa post ni Marco, “Napansin ko lang bat wala si cristine reyes sa celebration.”

“Break na ba kayo ni Cristine?” sey naman ng isang netizen.

Tila binasag naman na ni Cristine ang mga pang-uusisa ng madla sa relasyon nila ni Marco.

Nag-post na si Cristine ng larawan nila ng aktor sa kanyang Instagram story.

“Mahal ko yan,” mababasa sa larawan nilang dalawa ni Marco.

Read more...