‘Love Next Door’ magpapakilig sa K-Drama fans; bagong Thai movie magpapaiyak

‘Love Next Door’ magpapakilig sa K-Drama fans; bagong Thai movie magpapaiyak

PHOTOS: Courtesy of Netflix

DALAWANG Asian projects ang tiyak na aabangan ng fans ngayong buwan hanggang sa Setyembre.

Ire-release kasi ng Netflix ang bagong K-Drama na pinamagatang “Love Next Door” at ang Thai movie na may titulong “How To Make Millions Before Grandma Dies.”

Humandang kiligin sa upcoming Korean series na pagtatambalan nina Jung So-min at Jung Hae-in.

Ito ay mula sa creators ng hit series na “Hometown Cha-Cha-Cha” na tungkol sa isang babae na nagbalik sa Korea upang magsimula ulit sa kanyang buhay at kasabay niyan ay muli niyang makikilala ang isang childhood friend.

“[It] follows the story of Bae Seok-ryu (Jung So-min) as she looks to get a fresh start in life after a series of missteps. She crosses paths with Choi Seung-hyo (Jung Hae-in), a celebrated young architect in Korea, who happens to be the son of her mom’s close friend,” saad sa synopsis.

Baka Bet Mo: Atasha Muhlach sa pagsabak sa mga beauty pageant: ‘I’m not gonna close my doors’

Ang tanong, tuluyan na kaya silang ma-i-inlove sa isa’t-isa ngayong malaki na sila?

Ang “Love Next Door” ay mapapanood simula August 12 sa Netflix.

Samantala, ihanda niyo naman ang inyong mga tissue sa Thai movie na ipapalabas sa nasabing streaming service sa darating na September 12.

Siguradong hahagulgol kayo sa kwento ng “How To Make Millions Before Grandma Dies.”

Ito ay hango sa personal na karanasan at narito ang magiging istorya ng pelikula: 

“Driven by the desire for a multimillion-dollar inheritance, M (Putthipong ‘Billkin’ Assaratanakul) puts aside his dreams as a hopeful game caster to care for his terminally ill grandmother (Usha Seamkhum). But winning Grandma’s favor is no easy feat, as she proves to be demanding and exceedingly difficult to please. To make things more complicated, M is not the only one vying for the fortune. He finds himself in a competition, going to great lengths to become the apple of Grandma’s eye before time runs out.”

Para sa kaalaman ng marami, ang pelikula ang highest-grossing Thai film to date sa ilang bansa, kabilang na riyan ang Indonesia, Singapore, Philippines, Malaysia at Myanmar.

Read more...