Fifth Solomon sapilitan nga ba ang pag-aming bading sa PBB?

Fifth Solomon sapilitan nga ba ang pag-amin na bading sa PBB?

Fifth Solomon

BINALIKAN ng aktor at direktor na si Fifth Solomon ang ginawa niyang pag-come out sa “Pinoy Big Brother” bilang miyembro ng LGBTQIA+ community.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Fifth ang naramdaman niya nang magdesisyon siyang ibandera sa buong universe na isa siyang bading sa pamamagitan ng reality show ng ABS-CBN.

”10 yrs ago, i was 22yrs old when i entered PBB. Very thankful dahil dito ako nagka chance to own my coming out story, sa aking own time.

Baka Bet Mo: Fifth Solomon shookt sa binayaran sa sinehan nang manood sa 1st Summer MMFF: ‘Grabe! Sabi ko nga, kakain pa ba tayo, after?!’

“I had the chance to have a platform and to have a deciding factor when to come out,” ang simulang pag-alala ng batambatang filmmaker sa kanyang IG post.


Ayon kay Fifth, sariling desisyon niya ang aminin sa publiko ang tunay niyang pagkatao at never siyang pinilit ng production hinggil dito.

“Sa totoo lang, nu’ng araw na naisipan ko mag out sa loob ng bahay ni kuya, sabi ko: sh*t chance ko na to para magkaroon ng bonggang coming out story on a national TV.

Baka Bet Mo: Chariz Solomon: Ang nakuha ko talaga sa Bubble Gang mas marami pang pera!

“Hours before ako mag-out sa loob ng bahay ni kuya, Nagdamit ako, nagsapatos. Gulat si Kuya, mag out na pala ako. I wanted my coming out story to be memorable, slayable and ICONIC,” pahayag pa niya.

Pagkatapos ng kanyang coming-out moment, binigyan siya ng pagkakataon na makipag-usap sa isang psychologist upang magabayan siya sa ginawa niyang pag-amin on national television.


Pahayag pa ni Fifth, “Before ako mag out sabi ng mga tao ‘Umamin ka na lang kasi’ pero noong nag out na ako sabi naman nila ‘Sayang ka’ haha! Diba?!

“Walang sayang sa pagpapakatotoo kahit ayaw naman ng marami ang totoo. Mas sayang ang pagkatao mo kapag nakinig ka sa mga taong wala namang kinalamaan sa pagkatao mo,” ang mensahe pa ng direktor.

Pagpapatuloy pa ni Fifth, “Salamat @PBBabscbn Fam for giving me a bonggang Platform. And to all, wala kayong karapatan na magdesisyon sa kasarian ng isang tao. Coming out is a personal decision.”

Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Fifth ay ang “Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka” (2018), “The ExorSis” (2021) at “My Sassy Girl” (2024).

Read more...