Rochelle certified kontesera, pero never nanalo: P800 lang nauuwi ko

Rochelle certified kontesera, pero never nanalo: P800 lang nauuwi ko

Rochelle Pangilinan

CERTIFIED kontesera ang Kapuso actress at original SexBomb Dancer na si Rochelle Pangilinan bago pa siya mapasabak sa mundo ng showbiz.

Pagbabalik-tanaw ni Rochelle, napakarami rin niyang sinalihang competition noong kabataan niya na naging daan para mas mapagbuti ang kanyang talento sa pagsasayaw.

Baka Bet Mo: Rochelle may gustong baguhin sa naging desisyon noon sa hindi pagsipot ng SexBomb sa ‘Eat Bulaga’: ‘Dapat naging professional pa rin kami’

Pero sey ni Rochelle, kahit kailan daw ay hindi pa siya nanalo sa mga sinalihang dance contest, kahit pa nga feeling niya ay super competitive siya bilang dancer.


“Naku, marami (na akong nasalihan na contest), mga barangay contests. Pero alam mo ba,Tito Boy, nakakaabot ako sa grand finals, pero never akong nanalo, never ako naging champion,” pahayag ni Rochelle sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”.

Pambubuking pa ng Kapuso star, mas malaki naman daw talagang di hamak ang papremyo sa TV kumpara sa mga contest sa barangay.

“Daily, parang P10,000 tapos semis parang mga P15,000, kapag sa TV. Pero kapag sa mga bara-barangay, mas mura, P800 lang ‘yung inuuwi ko,” natatawang chika ng aktres.

Tanong ni Tito Boy sa wifey ni Arthur Solinap, ano ang ginagawa niya sa mga nalapanalunan niyang cash, tugon ni Rochelle, “Pambaon ko (sa school), pinangtutulong ko rin sa mga magulang ko.

Baka Bet Mo: Totoo nga bang si Rochelle Pangilinan ang dahilan kung bakit nabuwag ang SexBomb Dancers?

“Tapos nagbibigay din ako ng pamalengke kahit konti,” sey ni Rochelle.

Tungkol pa rin sa pagiging dancer, napakalaking tulong daw nito nang pasukin na niya ang pag-aartista dahil nagbibigay din daw ito ng matatag na stamina na kailangan sa aktingan.


Sey ni Rochelle, “Siguro po kapag may fight scenes, sabunutan scenes.”

Dugtong pa niya, “Saka magkakaroon kayo (co-star) ng timing sa bawat isa para hindi kayo magkasakitan so maaalalayan n’yo ‘yung bawat isa.

“Kung kailangan papunta kayo sa sahig, papunta kayo sa sahig ng walang nasasaktan,” chika ni Rochelle Pangilinan.

Read more...