Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios certified kontesera rin, naging TV host, model at varsity player
SA kabila ng mga espekulasyon na naging “cooking show” (niluto) ang Miss Universe 2023, mas marami pa rin ang naniniwala na deserving manalo si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios.
Si Sheynnis ang kinoronahang bagong Miss Universe sa ginanap na grand coronation kahapon, November 19, sa José Adolfo Pineda Arena, San Salvador, El Salvador.
Pero sino nga ba si Shynnis Palacios? Nag-research kami nang kaunti tungkol sa kanya at in fairness, sa edad na 23, ay napakarami na rin pala niyang achievement.
And yes, kontesera rin pala sa mga beauty pageant ang dalaga tulad ng pambato nating si Michelle Dee. Ipinanganak si Sheynnis Alondra Palacios Cornejo noong May 30, 2000, sa Managua, Nicaragua.
View this post on Instagram
Graduate siya ng Mass Communication sa Universidad Centroamericana, ang unang private university sa Central America na nagsimula ng operasyon noong 1960.
Naging varsity volleyball player din siya sa kanilang school hanggang sa makatapos na nga ng college at mapasabak sa modeling, hosting at community development bilang isa sa kanyang mga advocacy.
Baka Bet Mo: Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios winner na winner ang mga sagot sa Q&A portion
Napasabog din ng inspirasyon at good vibes ang bagong Miss Universe noong maging host siya sa Canal 11 Nicaragua show na “Al Dia”.
Nagsimula naman ang journey ni Miss Nicaragua sa mga beauty pageant noong 2016 nang magwagi siya bilang Miss Teen Nicaragua.
Umabot naman siya sa Top 10 ng Teen Universe 2017 pageant representing Nicaragua. Taong 2021 naman nang koronahan siya bilang Miss World Nicaragua.
Dahil dito, siya ang nag-represent ng kanilang bansa sa Miss World 2021 na ginanap sa San Juan, Puerto Rico kung saan nakapasok siya sa Top 40.
View this post on Instagram
Napilitan naman siyang mag-withdraw sa Reinado Internacional del Café 2022 competition matapos tamaan ng COVID-19. At nito ngang nagdaang August, siya ang kinoronahang Miss Nicaragua 2023.
At dahil sa naging performance niya sa katatapos lang na Miss Universe 2023, siya ang napiling winner. Marami ang nagsasabi na isa sa dahilan ng kanyang pagkapanalo ay ang naging sagot niya sa Q&A portion.
Ang final question sa kanya sa labanan ng Top 3 candidates ay, “If you could live in one year, if you could live one year in another woman’s shoes, who would you choose and why?”
Sagot ni Sheynnis, “I would choose Mary Wollstonecraft because she opened the gap and gave an opportunity to many women.
“And what I would do, I would want that gap, that income gap, would open up so that women could work in any area that they choose to work in because there are no limitations for women. That was 1750. Now, in 2023, we’re making history,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.