Carlos Yulo ayaw nang pag-usapan ang isyu sa ina, grateful sa suporta ni Chloe

Carlos Yulo ayaw nang pag-usapan ang isyu sa ina, grateful sa suporta ni Chloe

Carlos and Angelica Yulo

NAGSABI na si Carlos Yulo na ayaw na niyang mapag-usapan ang isyu sa kanyang ina na si Angelica.

Ito ay matapos siyang hingan ng reaksyon sa kanyang panayam with “24 Oras” patungkol sa pagharap sa media ng kanyang ina upang tapusin na ang isyu sa kanilang pamilya.

“Unang-una po, matagal ko nang pinatawad ‘yung parents ko po,” muli niyang iginiit.

Patuloy niya, “Ang sakin lang po, personal na po namin itong problem at ayaw na po namin ito masyadong pag-usapan.”

Ayon sa kanya, ang mas gusto niyang bigyang-pansin ay ang Pinoy athletes na lumaban sa Paris Olympic 2024 para magbigay ng karangalan sa ating bansa.

Baka Bet Mo: Hugot ng tatay ni Carlos Yulo: Magulo pala ‘pag marami kang pera

“Andito po tayo ngayon sa Olympics. Gusto ko pong i-celebrate ang pinaghirapan po ng mga atleta at ‘yung mga nakamit ng atleta,” sey ng Olympic champion.

Mensahe pa ni Carlos, “Sobrang proud po ako sa mga Atletang Pilipino na pinaglaban po ‘yung Pilipinas. Grabe po, nakakaiyak po ‘yung mga performances nila. Alam ko po na may natalo tayo sa ibang atleta pero sobrang proud po ako sa kanila, sa dedication, effort and ‘yung pag-show up nila sa araw na ‘yun.”

“Kaya nasa inyo ang suporta ko, lahat kayo. Mahal na mahal ko kayo dahil nagawa natin ‘yung trabaho natin. Magpasalamat tayo sa Itaas na nandito tayo, binigyan tayo ng ganitong talento at nakakapag-inspire tayo ng mga kabataan at buong Pilipinas,” aniya pa.

Bukod diyan ay tinanong din si Carlos patungkol naman sa kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.

“Ano ang ambag ni Chloe sa isang Carlos Yulo?” tanong ng veteran broadcaster na si Mel Tiangco.

Ang sagot ng Golden Boy, “Naalagaan po ang mental health ko and well-being ko po. Mas nakilala ko po sarili ko personally. Through ups and downs po, andoon po talaga si Chloe.”

“May mga time na nahirapan kami and we’re really grateful na hindi niya ako sinukuan sa pangarap naming dalawa,” saad pa niya.

Dagdag pa ni Carlos, “Right now, sobrang thankful po ako sa kanya, sobrang thankful ako kay God na ipinakilala ako sa kanya. Grabe po ‘yung suporta na natanggap ko and tiwala and pagmamahal po na binigay niya sa akin.”

Nang tanungin naman siya kung ano ang magiging plano nila ni Chloe ngayong taon, lalo na’t natapos na ang kanyang laban sa Paris Olympics.

“Magfo-focus po kami sa personal life namin and magse-celebrate po dahil grabe po ‘yung pinagpaguran and pinaghirapan. It’s time to celebrate po,” sambit ng Olympic Hero.

Bukod diyan ay nabanggit niya rin ang karera niya sa gymnastics na kung saan ay ipagpapatuloy pa niya ang kanyang training.

“Mag-iiba na po kasi ang total points next year [kaya] ayun po ang pag-aaralan namin and kailangan ko pong mag-adjust, so I have to really look things na po ‘yung mga gagawin ko for the next year,” ani ni Carlos.

Read more...