Michele Gumabao nag-‘yes’ sa wedding proposal ni PBA coach Aldo Panlilio

Michele Gumabao nag-‘yes’ sa wedding proposal ni PBA coach Aldo Panlilio

PHOTO: Instagram/@gumabaomichele

WEDDING bells are ringing! Engaged na kasi ang celebrity athlete na si Michele Gumabao sa dyowa niyang PBA coach na si Aldo Panlilio.

Ang good news ay ibinandera mismo ni Michele sa Instagram, kalakip ang sweet pictures nila ni Aldo.

Kitang-kita rin sa mga litrato ang malaking diamond ring na suot-suot ng volleyball player at beauty queen.

Wala pang detalye sa upcoming wedding ng dalawa, pero heto ang caption ni Michele sa post: “8 to [infinity] with you [blowing kiss emoji].”

Baka Bet Mo: Michele Gumabao ‘naaksidente’ bago rumampa sa Miss Universe PH: I passed out, I collapsed

Nag-post din ang Nice Print Photography ng ilang photos at ibinunyag na naganap ang engagement sa Japan.

“She said YES [ring emojis] Congratulations @aldopanlilio12 and @gumabaomichele [red heart emoji],” pagbati nila.

Ani pa, “Wedding proposal and engagement shoot in Tokyo Japan.”

Sa comment section, maraming kapwa-beauty queens at volleyball players ang nagpaabot ng “congratulatory” messages sa dalawa.

Kabilang na riyan sina Catriona Gray, Atisha Manalo, Jem Ferrer, Risa Sato, Michelle Morente, at marami pang iba.

Si Michele ay star player ng DLSU Lady Spikers ng De La Salle University.

Siya ang two-time Best Blocker ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 73 at 74, at naging Finals Most Valuable Player siya noong UAAP Season 75.

Noong 2014 naman, naging celebrity housemate siya ng reality TV show na “Pinoy Big Brother: All In” kung saan nakasama niya sina Jane Oineza, Alex Gonzaga at Daniel Matsunaga.

Pagkatapos niyan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas 2018 at nakuha niya ang titulong Binibining Pilipinas-Globe 2018.

Siya ang inilaban sa international pageant na Miss Globe 2018 kung saan nagtapos siya sa Top 15.

Itinuloy niya ang kanyang pageant journey at sumali sa Miss Universe Philippines 2020 at siya ang itinanghal na 2nd runner-up.

Read more...