TAGOS at kumukurot sa puso ang kuwento ng pelikulang “Kono Basho“, isa sa mga entry sa ginaganap ngayong Cinemalaya 2024.
Simple lang ang istorya ng “Kono Basho” o “This Place” na idinirek ni Jaime Pacena II, ngunit siguradong aantig ito sa inyong mga puso dahil pamilya at pagmamahalan pa rin ang sentro ng tema at konsepto nito.
Napanood namin ang naturang Cinemalaya 2024 entry sa ginanap na gala night sa Ayala Malla Manila Bay Cinema 10 nitong Miyerkules na dinaluhan ng halos lahat ng cast members, kabilang na ang mga Japanese actors na nakasama sa pelikula.
Iikot ang kuwento ng “Kono Basho” sa half-sisters na nagkita lamang sa burol ng kanilang yumaong ama sa Rikuzentakata, Japan ngunit kailangan nilang pagdaanan ang ilang masasakit na katotohanan na mula sa nakaraan.
In fairness, wala kang itulak-kabigin sa dalawang lead star ng pelikula na sina Gabby Padilla na gumaganap na Ella na isang Filipina anthropologist at Arisa Nakano as Reina bilang Japanese painter
Bukod sa aktingan, siguradong mapapa-wow din ang lahat ng manonood sa cinematography at production design na movie dahil sa ganda ng ginamit na location sa Japan.
Sabi ng direktor ng pelikula, “I think what this film can teach you about grief is that sometimes when you feel like you’re alone in the darkness, stumbling kasi wala kang kasama.
“There’s someone in the darkness stumbling as well, and when you hold on to that person and when you connect with them, you have hope and you find healing together,” sabi ni Direk Jaime Padilla.
Baka Bet Mo: John Lloyd kumasa sa bagong hamon ng Cinemalaya 2022
Samantala, nakausap din namin at ng ibang members ng media ang producer ng “Kono Basho” na si Bryan Dy, may-ari ng Mentorque Productions na siya ring nasa likod ng award-winning film na “Mallari.”
Aniya patungkol sa kanilang Cinemalaya entry, “Talagang ibang direction ito, kasi I’m trying to understand na parang dalawa ‘yung lagi nilang sinasabi, parang sinasabi nilang art film.
“Pasensyahan ninyo na po ako sa pagiging ignorante po dahil baguhan po ako sa industriya, talagang I wanted to experience that also, something different.
“Dahil when this one offered magagaling ‘yung mga tao at the back, sa likod nito, so hindi na rin ako nagdalawang-isip and then to really understand also the (Cinemalaya) film festival, how they wanted, ano talaga ang audience nu’n, who did they cater,” ani Bryan.
“Kasi talagang ito, malayung-malayo to what I do. But doon ko rin napagtanto sa sarili ko when I saw the final film na parang mas magiging technical ka siguro as a producer mas nagiging napapansin ko ‘yung subtleness nung acting. Iba rin siya, so I really enjoyed watching this.
“Akala ko before kasi ako mahilig ako sa fast-paced mahilig ako sa edge of a seat pero this one is just emotional. Alam mo from the beginning that we’re looking at how would you handle grief. Talagang right on the table ‘yun.
“And ‘yun lang talaga, we’re really amazed on the team, lalo na ‘yung acting bukod kay Gabby Padilla, the Japanese actress Arisa Nakano, tapos the direction and cinemathography iba rin. So hopefully you enjoy the film,” sabi pa sabi pa ng batambatang producer.
Showing na ngayon sa mga sinehan ang 2024 Cinemalaya Film Festival entry na “Kono Basho”. Tatagal ang naturang annual filmfest hanggang August 11 sa Ayala Malls Manila Bay at selected theaters sa ilan pang Ayala Malls sa bansa.