“BYE, Aiko left the group! Oo, Aiko left the group, Marthena will hate you!” ang seryosong sabi ni Konsehala Aiko Melendez sa panganay niyang si Andre Yllana.
Sa latest vlog ni Konsi Aiko kasama ang dalawang anak na sina Andre at Marthena Jickain ay ipinagmalaki talaga ng aktres at politiko na mababait ang mga anak niya dahil hindi siya binigyan ng sakit ng ulo.
“In fairness sa anak kong lalaki titingnan ninyong ganyan-ganyan ‘yan, chick boy-chick boy, sa totoong buhay hindi. Kasi never niya akong binigyan ng sakit ng ulo. Siguro meron lang bilang na bilang lang sa kamay ko na pinasakit niya ang ulo ko.
Baka Bet Mo: Aiko Melendez kering-keri pang magbuntis at manganak: Maganda ang lahi ko, in fairness!
“Hindi talaga ako nakakatulog ng maayos kapag umuuwi sila ng madaling araw. Ito ha, i-open up ko lang, si Andre kasi pag tine-text mo ‘yan nakukulitan ‘yan hindi ako sinasagot (natawa ang binata).
“E, pag tinatanong ko kunwari 5 na ng umaga hindi ako makatulog, kunwari nawiwi ako tapos titingnan ko ‘yung phone ko na alam mo ‘yung pinagpe-pray ko na si Andre sasagot ‘yan after one hour and a half, so, nag-palpitate na ako’t lahat gising na gising na ako hindi na ako makatulog tapos sasabihn niya, ‘Hi mom I’m okay kumakain lang.’
“Parang, sana sagutin mo agad, di ba? So overall wala naman akong reklamo sa mga anak ko kasi talagang graduate sila at may mga diploma ‘yan at si Andre ay hindi na humihingi ng baon sa akin ‘yan, inililibre na kami niyan, di ba, Marthena?
“Tapos hindi mo na kailangang obligahin ‘yan na, ‘oh Andre baka naman,” mahabang paglalarawan ni Aiko sa kanyang binata.
Hirit ni Andre, “Ako ito lang masasabi ko, wala naman akong balak bigyan ka ng sakit ng ulo, apo lang.”
Napa-“Ayyy!’ si Marthena at si Aiko naman ay nakangiti at biglang nagseryoso, sabay sabing, “Aiko left the group.”
Tumawa naman nang husto ang aktor sa naging reaksyon ng ina pati na rin si Marthena. Sabi ulit ni Aiko, “Parang hindi pa time!”
Baka Bet Mo: Anak ni Aiko na si Marthena never pinabayaan ng amang si Martin Jickain
Kambyo ni Andre, “Joke lang!”
“Oo hindi pa time! Naging serious ako bigla,” sambit ng nanay ng magkapatid.
Diretsong tanong ni Aiko sa mga anak kung may pinagsisihan sila na pumasok ang nanay nila sa public service na inagaw na ang panahon sa kanila.
“Ako super proud ako and happy ako, pag nakikita kitang nagsasalita at nakakatulong sa tao ay enough na ‘yun sa amin na parang pat on the back na kahit hati ‘yung oras namin ay okay na ring may oras ka sa ibang tao kasi nakakatulong ka, proud of you mom!” say ni Andre.
Sabi naman ni Marthena, “Same with kuya, siyempre hindi naman namin napi-feel na parang inaagaw ang time mo kasi nandoon ‘yung you love to help others and you also love what you’re doing, so, there’s no issue with us and as time goes by parang mas napapahanga pa nga kami sa ginagawa mo.”
Susog naman ni Aiko, “And feeling ko rin hindi naman ako magkakaroon ng problema in time sa inyong dalawa kung sinuman sa inyo ang magkaroon ng puso na pasukin ang public service.
“Hindi ako magkakaroon ng problema na ihabilin ang District 5 sa inyong dalawa kasi ngayon pa lang nakikita ko na kahit hindi naman kayo elected ay tumutulong kayo kahit hindi ko kayo sinasabihan.
“Meron akong nababalitaang mga galaw ninyo na kayo lang ang gumagawa. So, innate ‘yung pagiging mabuti ninyo, salamat sa inyo,” sey pa ng aktres.
Sa nakaraang eleksyon ay hindi lang ang Team Aiko ang tumulong sa konsehala para magbahay-bahay at ikampanya siya kundi may ibang grupo rin ang magkapatid na Andre at Marthena para tulungan ang ina dahil malaki nga raw ang nasasakupan nitong distrito 5.