Anak ni Aiko na si Marthena never pinabayaan ng amang si Martin Jickain Bandera

Anak ni Aiko na si Marthena never pinabayaan ng amang si Martin Jickain

Reggee Bonoan |July 25,2021
share this

Anak ni Aiko na si Marthena never pinabayaan ng amang si Martin Jickain

Reggee Bonoan | July 25, 2021 - 02:41 PM

SA Miyerkoles, Hulyo, 28 pa ang 15th birthday ng bunso at nag-iisang anak na babae ni Aiko Melendez na si Marthena Jickain pero ipinagdiwang na nila ito kahapon, Hulyo 24.

Ang ganda tingnan ng larawang magkakasama si Aiko, ang boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun, Andrei Yllana, Marthena at ang papa nitong si Martin Jickain.

Ang caption ng aktres sa larawang ipinost niya sa kanyang social media account, “Advance Happy Birthday our baby girl we love you (heart emoji) @jickainmarthena from your dad @martinjickain and from us @andreyllana tito @vicegov_jaykhonghun and I.”

First time palang magkakilala at magkita sina VG Jay at Martin kaya tinanong namin kaagad si Aiko pagka-post niya kung ano ang reaksyon ng dalawa.

“Maganda naman first meeting nila, Ate. Dito ginawa sa restobar ni Martin sa Quezon City,” sagot ng aktres.

Maganda ang paghihiwalay nina Aiko at Martin kaya nananatili silang magkaibigan bukod pa sa co-parenting sila sa anak nilang si Marthena.

Base sa kuwento ng aktres sa amin ay never nagpabaya ang ex-husband niya sa lahat ng pangangailangan ng kanilang anak. Talagang suportado ni Martin ang dalagita sa lahat ng mga ginagawa at interes nito.

At dahil sa Boracay naka-base ang papa ni Marthena bilang chef ay lumuluwas siya ng Manila para dalawin ang anak at magkaroon sila ng panahong mag-bonding.

Sa pagkakatanda rin namin kapag bakasyon noon sa eskuwelahan si Marthena at wala pang COVID-19 pandemic ay siya naman ang dumadalaw sa papa niya para makasama rin ang pamilya nito.

Kaya kapag natatanong si Aiko kung kumusta ang relasyon niya sa mga ama ng anak niya ay bukod tanging si Martin ang nababanggit niyang okay sila.

Mapapansing happy kid din talaga ang dalagita simula pa noong bata dahil kahit hiwalay ang magulang niya ay nakikita niyang magkasundo pa rin ang mga ito.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending