Reward ni Carlos Yulo para sa 2 gold medal baka umabot sa P100-M

Reward ni Carlos Yulo para sa 2 gold medal baka umabot sa P100-M

Carlos Yulo

PARAMI pa nang parami ang nagbibigay ng incentives para sa double gold medal victory ni Carlos Yulo sa 2024 Paris Olympics.

In fairness, hindi impossible ng umabot sa P100 million ang pwedeng matanggap na cash at property incentives ni Carlos para sa dalawang gintong medalya na napanalunan niya sa artistic gymnastics sa men’s floor at men’s vault exercises.

Nauna nang napabalita na mahigit P60 million na ang ibibigay sa Pinoy champ ng gobyerno at ng iba’t ibang private companies.

Baka Bet Mo: Angelica Yulo kay Carlos: Humihingi ako ng patawad anak…nanay lang ako

At bukod nga riyan, tumataginting na P20 million pa ang tatanggapin ni Carlos  bilang cash reward. Yan ang kinumpirma ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco sa pagharap nito sa pagdinig kahapon sa House Committee on Appropriations.


“As provided by law, for the gold medalists, PAGCOR is mandated to give an athlete who wins a gold P10 million. So since he has two golds, Mr. Yulo will have P20 million. I have not announced this in public, so this is the first time,” ani Tengco.

Samantala, makakatanggap din si Carlos ng P5 million mula sa ArenaPlus na ibinandera rin ang pagpupugay sa tagumpay ng tinaguriang “Golden Boy” sa 2024 Olympic Games.

Tinawag nilang “Astig Hero Bonus”, karapat-dapat lang daw na bigyan ng reward ang natanggap niyang historic achievement.

“This gesture of ArenaPlus’ pride and gratitude to Yulo for representing the country in the most prestigious sporting event in the world.

Baka Bet Mo: Cash reward ni Hidilyn umabot na sa P50-M; nakiusap para sa mga atletang Pinoy

“DigiPlus, the parent company of sports betting platform ArenaPlus, has been proudly championing Carlos Yulo since the start of the Olympic games.

“As one of ArenaPlus’ official brand ambassadors, Yulo has had the company’s full support throughout the entirety of his Olympic campaign,” sabi ng naturang kumpanya.


“Maraming, maraming salamat po na recognize niyo po ako at gusto niyo ko suportahan. Ibubuhos ko lahat at tatapatan ko po yung mga suportahan at salamat sa suporta niyong lahat at ipagdasal natin ang mga kasaling atleta sa Olympics,” sabi ni Carlos sa ibinigay na send-off party sa kanya ng naturang kumpanya.

“Carlos Yulo truly embodies the ‘astig’ Pinoy spirit. We coudn’t be prouder of how he has represented our country. Our warmest congratulations to him!” ani DigiPlus Chairman Eusebio H. Tanco

Yulo’s success in the Olympics also aligns with ArenaPlus’ vision of a thriving and diverse interest in sports here in the Philippines.

This will only aid him in his athletic career moving forward, setting him up for greater success down the line. DigiPlus is the fastest-growing digital entertainment company in the country.

Read more...