Cash reward ni Hidilyn umabot na sa P50-M; nakiusap para sa mga atletang Pinoy | Bandera

Cash reward ni Hidilyn umabot na sa P50-M; nakiusap para sa mga atletang Pinoy

Ervin Santiago - August 01, 2021 - 01:27 PM

BALITANG umabot na sa mahigit P50 million ang cash reward na matatanggap ng kauna-unahang Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz.

Bukod dito, sandamakmak pang boggang-bonggang regalo ang ibibigay sa Pinay champion ng ilang indibidwal at mga pribadong kumpanya bilang pagkilala sa galing ng tinaguriang “weightlifting fairy” ng Pilipinas.

Nagpapasalamat si Hidilyn sa laki ng cash at iba pang reward na ipinangako sa kanya ngunit ipinagdiinan niya na ang gold medal talaga ang talagang target niya sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon sa sikat na sikat ngayong weightlifter mula sa Zamboanga na nagkampeon sa women’s 55k kg weightlifting event, hindi ang mga cash rewards at incentives ang naging pangunahing motivation niya sa pagsali sa Olympics.

“Siyempre, nagpapasalamat po ako. Siyempre, lahat naman tayo kailangan ng pinansyal na tulong. Siyempre, gusto ko ring magpasalamat, pero ginawa ko kasi ito, nanalo ng gold, kasi isa ‘to sa mga dream na ibinigay ni God sa akin, sa puso ko,” paliwanag ni Hidilyn sa isang TV interview.

Diin pa niya, “Dream din ito ng bawat team, ng team HD, at ng mga sponsors na mga tumulong sa amin before the Tokyo 2021 Olympics, nu’ng 2019, na naniwala, at saka ng PSC (Philippine Sports Commission).

“So malaking bagay po ‘yun sa akin na ngayon, maraming tumutulong, pero sana, kung may mga atleta pong nakita mong maganda ‘yung chance, lapitan po natin at tulungan sila, hindi dahil may chance silang manalo, hindi dahil sa nanalo na, kundi may potential na maging world champion may potential maging Olympic gold medalist,” katwiran pa ni Hidilyn.

Nauna nang nagpasalamat ang Pinay champ sa sambayanang Filipino na nagdasal at sumuporta sa kanyang laban sa 2020 Tokyo Olympic Games, lalo na sa kanyang team at pamilya.

“Gusto ko lang pong sabihin sa lahat ng Pilipino na nagdasal at sumuporta sa aming mga Filipino athletes, maraming maraming salamat po.

“Thank you so much po na nagkaisa po tayo habang nanonood ng laban…ng bawat laban ng Filipino athlete, malaking bagay po sa amin na we work as one, we support as one and, at the end of the day, we are Filipino and we represent Filipino. Thank you so much po sa suportang binigay niyo,” mensahe pa ni Hidilyn Diaz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending