MAGBABALIK ang sikat na Korean series na “Squid Game” makalipas ang tatlong taon!
Ang “Squid Game” Season 2 ay mapapanood na sa Netflix sa darating na December 26, kung saan itutuloy nito ang istorya ni Seong Gi-hun na ginagampanan ng Korean star na si Lee Jung-jae.
Ang exciting news ay inanunsyo mismo ng streaming platform sa pamamagitan ng isang video announcement.
“It’s been three years. Do you want to play again?” sey ng Front Man habang mapapanood ang ilang players na nagpapaunahang tumakbo sa isang race track.
Baka Bet Mo: Sanya nakalunok ng pawis, Alden binomba at pinagbabaril sa ‘Pulang Araw’
Kung curious kayo kung ano ang magiging kwento ng season 2, heto ang ipinadalang synopsis ng Netflix sa BANDERA:
“Three years after winning Squid Game, Player 456 remains determined to find the people behind the game and put an end to their vicious sport. Using this fortune to fund his search, Gi-hun starts with the most obvious of places: look for the man in a sharp suit playing ddakji in the subway. But when his efforts finally yield results, the path toward taking down the organization proves to be deadlier than he imagined: to end the game, he needs to re-enter it.”
Hindi pa riyan natatapos ang excitement dahil ang ikatlo at final season ng sikat na serye ay nakatakdang i-release sa taong 2025!
Samantala, inihayag din ni Hwang Dong-hyuk, ang creator at direktor ng sikat na serye, ang kanyang excitement para sa bagong masasaksihan ng fans.
“I remember thinking, ‘Wow, I can’t believe I’m back in the world of ‘Squid Game.’ It almost felt surreal. I wonder how it will feel for you to be back in Squid Game after three years as well,” saad niya sa isang statement.
Nabanggit din niya na ang upcoming seasons ay magfo-focus sa labanan sa pagitan ni Seong at ng Front Man.
“I am thrilled to see the seed that was planted in creating a new ‘Squid Game’ grow and bear fruit through the end of this story. We’ll do our best to make sure we bring you another thrill ride. I hope you’re excited for what’s to come. Thank you, always, and see you soon, everyone,” aniya pa.
Kung matatandaan, taong 2021 nang unang ipinalabas ang “Squid Game” na naging most popular series at most-watched series ng Netflix sa buong mundo.
Umani ito ng mahigit 1.65 billion viewing hours na pinanood ng mahigit 142 million households sa loob halos isang buwan.
Nakuha rin nito ang number one spot sa “Today’s Top 10” across 94 countries.
Maliban sa massive viewership, gumawa rin ito ng kasaysayan matapos humakot ng parangal sa iba’t ibang prestihyosong international award-giving bodies.
Kabilang diyan ang “Outstanding Directing” para sa direktor ng serye na si Hwang Dong-hyuk, at “Outstanding Lead Actor” para sa magaling na pagganap ng Korean actor na si Jung-jae na nakuha sa Emmy Awards.
Kinilala rin ang “Squid Game” na “Breakthrough Series” sa Gotham Awards, at naiuwi rin nito ang “Binge-Worthy Show of 2021” sa People’s Choice Award at ang “AFI Special Award.”