Juliana Gomez nag-babu na sa UP, proud maging ‘Iskolar-Atleta ng Bayan’

Juliana Gomez nag-babu na sa UP, proud maging ‘Iskolar-Atleta ng Bayan’

PHOTO: Instagram/@gomezjuliana

TULUYAN nang nagpaalam sa kanyang eskwelahan si Juliana Gomez, ang unica hija nina Richard Gomez at Lucy Torres, matapos grumaduate ng kolehiyo.

Para sa mga hindi aware, si Juliana ay nakakuha ng degree sa public administration with Latin honors sa University of the Philippines (UP) Diliman.

Punong-puno ng pasasalamat ang kanyang Instagram post dahil nabigyan siya ng pagkakataon na maging isang “Iskolar-Atleta ng Bayan.”

“Isang karangalan ang maging Iskolar-Atleta ng Bayan. Maraming salamat sa pagkakataon na ito, UP! Mahal na mahal kita,” caption niya sa post, kalakip ang ilang litrato niya.

Baka Bet Mo: Juliana Gomez hinangaan sa pagiging sweet sa yaya, puring-puri sa netizens

May post din siya na inihayag ang kanyang pamamaalam sa unibersidad, kasama ang ilang mga kaibigan niya.

“Paalam, UP! I had the time of my life with these girls by my side,” wika niya.

Kamakailan lang, proud na proud na ibinandera ni Richard sa kanyang Instagram reel ang ilang kuha sa graduation ceremony ng kanyang anak na makikitang nakasuot ng traditional terno with her UP Sablay and medal.

Ramdam din sa caption ang pagiging sentimental at emosyonal ng aktor at Leyte Representative sa graduation ni Juliana.

Bukod sa pagiging Cum Laude, si Julianna ay naging representative ng UP sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) bilang parte ng UP fencing team.

Dalawang beses pa nga siyang nag-champion sa individual women’s epee ng UAAP seasons 85 and 86.

Read more...