MAY tatahakin na bagong adventure ang Kapamilya young actress na si Francine Diaz this year.
Ito ang kanyang college journey sa Southville International School Affiliated with Foreign Universities (SISFU)!
Sa Instagram video ng eskwelahan, masayang inanunsyo ni Francine na nakapag-enroll na siya sa kolehiyo at very excited na nga raw siya sa first day of school.
“Enrolled and officially in college! Despite her jam-packed schedule, Francine is diving headfirst into her studies, determined to chase her dreams,” caption ng university sa isang separate IG post.
Patuloy pa, “Balancing classes with her busy celebrity life is no small feat, but Francine Diaz’s enthusiasm and dedication are truly inspiring.”
“College life just got a lot more exciting with Francine in the mix! Welcome to De Montfort University!” mensahe pa nila para sa young actress.
Sa comment section, maraming fans ang proud na proud kay Francine dahil kahit busy ito sa kanyang karera ay pursigido pa rin siyang makapagtapos ng pag-aaral.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“The role model of her generation. Wishing you the best in your college life and career [smiling face with heart eyes, red heart emojis].”
“Proud of you always my love [clapping hands emojis] soar high bb [red heart emojis].”
“Congrats and Goodluck Francine [thumbs up, blue heart emojis] keep it up! You can do it!!!”
“Goodluck on your uni life our dear chin [red heart emoji]. Pursue your education we’re always here to support you.”
Magugunita nitong Hunyo lamang ay nakapagtapos si Francine ng senior high school sa parehong school sa Las Piñas.
Sa isang interview, sinabi ng aktres na super committed pa rin siya sa kanyang pag-aaral dahil talagang pangarap niya ang maka-graduate sa college.
Ang plano raw niyang kuning kurso ay may kinalaman sa pagnenegosyo, “Ang gusto ko po mag-business management.”
“Kasi hindi ko alam –‘wag naman sana kapag dumating ‘yung panahon na hindi na ako yung tinitingala or maingay, meron akong buhay outside showbiz,” ang praktikal na paliwanag ng dalaga.