Stell, Pablo ng SB19 iniintrigang may relasyon, trulili kaya?

Stell, Pablo ng SB19 iniintrigang may relasyon, trulili kaya?

HOW true kaya ang kumakalat na chika patungkol sa members ng Ppop boy group SB19 na sina Stell Ajero at Pablo Nase?

Ito kasi ang naging rebelasyon ng actor-producer na si Robby Tarroza sa kanyang naging panayam kay Romel Chika na mapapanood sa YouTube channel nang huli.

Natanong kasi ng isa sa mga “Cristy Ferminute” host kung sino ba ang “boy crush” ni Robby at ang naging sagot niya ay si Stell.

Chika pa niya, marami raw sa mga fans ng member ng SB19 ang na-upset dahil sa kanyang sinabi.

Baka Bet Mo: Sigaw ng SB19 fans, Stell at Pablo walang relasyon: Stop na yang ship-ship!

“Yong comments, ‘yong mga fans yata upset that I said that, na boy crush ko siya, they were saying ‘di ba, in the comments na parang nagagalit si Pablo sa akin,” sey ni Robby.

Tanong naman ni Romel, “Ha? Si Pablo na kagrupo niya?”

Kinumpirma naman ni Robby na si Pablo nga na co-member ni Stell ang tinutukoy nito.

“‘Yong SB19 na Pablo. I actually saw him last night sa concert ni Dingdong [Avanzado],” sagot ni Robby.

Nausisa naman ni Romel kung bakit magagalit si Pablo sa kanya kung boy crush man niya si Stell.

“Eh ‘di ba sila? Di ba Paolo and Stell, ‘di ba ‘yan ‘yong…” bitin na sabi ni Robby.

Singit naman ni Romel, “Kagrupo lang ‘yon.”

Tila nagtaka naman si Robby.

“Ha hindi ba sila? Hindi ba parang sila tapos naghiwalay tapos the other member parang nagselos or something…” patuloy pang chika ni Robby patungkol kina Stell at Pablo.

Sinabi naman ni Romel na all boys ang SB19 kaya paano ‘yun mangyayari.

“Hoy panay lalaki sila sa SB19, saan mo naman nakuha ‘yang chismis na ‘yan?” ani Romel.

Tumatawang sabi naman ni Robby? “Showbiz friends.”

Saad pa ni Robby, magandang couple naman daw sina Pablo st Stell kaya sana ay huwag magalit ito sa kanya dahil wala naman siyang balak na mang-agaw.

Chika pa niya, noon raw kasimg magkita sina Pablo at Robby ay tila tinaasan siya nito ng kilay.

May chance rin daw na baka mag-produce siya ng concert para sa Ppop boy group.

Wala pa nanang inilalabas na pahayag o paglilinaw ang kampo ng SB19 hinggil sa isyu.

Read more...